Tulfo

IRR ng Foundling law pirmado na

251 Views

PINIRMAHAN na ang implementing rules and regulation ng Foundling Recognition and Protection Act, na kikilala sa mga inabandonang bata na walang katiyakan ang citizenship bilang mga Pilipino.

Si Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo ang pumirma sa naturang IRR.

Sinabi ni Tulfo na ang batas ay dagdag na proteksyon sa mga bata na hindi tiyak kung sino ang mga magulang.

Nagpasalamat ang kalihim sa mga mambabatas na nagsulong sa panukala na naging batas noong Mayo 6, 2022.

Sa ilalim ng batas, ang mga bata na inabandona sa Pilipinas, embahada, o teritoryo nito ay kikilalanin bilang mga Pilipino.

Sa ganitong paraan ay magkakaroon sila ng karapatan sa mga programa ng gobyerno gaya ng ibang Pilipino ng hindi na kinakailangang patunayan pa.