Bagong PSL commissioner Isaac: Bagong PSL commissioner

Isaac pumalit kay Pingris sa PSL

Robert Andaya Apr 21, 2023
236 Views

NAPILI si Leo isac bilang bagong commissioner ng Pilipinas Super League (PSL).

Si Isaac, na dating nasilbi bilang lead analyst ng PSL at head of operations bagi ang 2022-23 PSL Pro Dumper Cup, ay hahalili kay Marc Pingris.

Naunang nagbitaw sa kanyang pwesto si Pingris para bumalik uli sa paglalaro ng basketball.

“Hindi ko ini-expect ito kasi nandiyan si Comm. Ping,” pahayag ng 62-year-old na si Isaac, na naging head coach din ng ibang mga teams, gaya ng Mapua University, Arellano University, at Blackwater.

“Pero kahit nawala siya, hindi ko inexpect na ako ita-tap nila as commissionerr, ” dagdsg pa niya.

Bilang commissioner, si Isaac ang hahawak ng day-to-day operations ng liga simula sa darating na 2023 PSL 18- and 21-under tournaments

May kabuuang limang regions sa kumpetisyon — Luzon Leg (April 29), National Capital Region Leg (May 3) , Visayas, Southern Mindanao at Northern Mindanao legs (May).

Makatutulong ni Isaac si Chelito Caro, na ngayon ay ang bagong head of operations.

“A lot of opportunities for those going to play for our local players. It gives breaks and opportunities for our young and aspiring players, lalo na dun sa galing sa remote areas,” pahayag ni Isaac.

“Ngayon, may platform na para ma-scout sila ng big schools and universities. Tapos may new job opportunities din for eveyrone who is going to be involved. Just excited and umaasa ako na marami tayong matutulungan sa program natin na ito.”