Jose

Isang Pinoy itinalaga ni Pope Francis sa Vatican dicastery

188 Views

ISANG Pilipinong pari ang itinalaga ni Pope Francis bilang consultor ng Vatican dicastery na siyang nangangasiwa sa mga eskuwelahang Katoliko sa buong mundo.

Sa pahayag na ipinalabas ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sinabi nito na si Jesuit Fr. Jose V.C. Quilongquilong ay dating pangulo ng Loyola School of Theology (LST).

Si Quilongquilong ay magsisilbi ng limang taon sa kanyang bagong posisyon. Siya ay nag-aral sa Pontifical Gregorian University sa Roma.

Habang nag-aaral siya ay naging regional secretary for Asia-Pacific ng Jesuit General Curia sa Roma.

Siya ang kasalukuyang administrator ng Mirador Jesuit Villa Retreat House and Eco-Spirituality Park sa Baguio City.