Jimenez

Isyung tatalakayin sa debate ng mga kandidato ilalabas ng Comelec

390 Views

IBIBIGAY ng Commission on Elections (Comelec) ang mga topic kung saan sesentro ang mga tanong sa susunod na debate ng mga kandidato.

Pero nilinaw ni Comelec spokesperson James Jimenez na hindi ibibigay ang tanong sa mga kandidato kundi ang general topic lamang.

“We will inform them of general topics to be discussed. This is not…not the type (of debate) of everything under the sun, bahala na. We will give the candidates the general topics to be discussed, but we won’t give them specific questions. We want the debates to be fair,” sabi ni Jimenez.

Mayroon umanong kinatawan ng Comelec na makikipag-ugnayan sa mga kandidato para ipaalam ang tatalakaying isyu.

Isang memorandum of understanding (MOU) din umano ang ihahanda para sa guidelines na gagamitin sa debate na lalagdaan ng Comelec at kandidato.