Nograles

Mga empleyado ng gobyerno balik-trabaho lahat

575 Views

SA ilalim ng Alert Level 1, papayagan ng pumasok ang lahat ng mga empleyado sa mga tanggapan ng gobyerno.

Ayon kay acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles ito ang nakasaad sa Memorandum Circular 96 na ipinalabas para sa pagpapatupad ng Alert Level System.

“The latest Memorandum Circular asserts that under Alert Level 1, all agencies and instrumentalities of the government shall adhere to 100% on-site workforce,” sabi ni Nograles.

Simula ngayong araw hanggang sa Marso 15 ay isasailalim ang National Capital Region (NCR) at 38 iba pang lugar sa ilalim ng Alert Level 1.

Nakasaad din sa Memorandum Circular No. 96 na sa ilalim  ng Alert Level 2, papayagan lamang ang pagpasok ng 80% ng workforce ng isang ahensya ng gobyerno.

Sa ilalim ng Alert Level 3 ay 60%, sa Alert Level 4 ay 40% at sa Alert Level 5 ay skeleton workforce.