Sara

Mayor Sara: Paghandaan epekto ng Russia-Ukraine crisis

530 Views

KAILANGAN umanong paghandaan ng gobyerno ang posibleng epekto sa Pilipinas ng gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon kay Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte hindi maitatanggi na kahit na malayo sa bansa ang gulo ay mayroon itong epekto hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

“And it is something that the national government, the whole of government should prepare for and not just one Cabinet secretary or one department of the government, dahil meron ng domino effect ‘yan lahat sa lahat ng aspeto ng buhay ng mga Pilipino, particularly that will really affect our cost of living and our daily life dahil makaka-apekto siya sa ating finances,” sabi ni Duterte, chairperson ng Lakas-CMD.

Sumali na ang Pilipinas sa pagkondena sa ginawang pag-atake ng Russia sa Ukraine.