Calendar
Iwas kotong, iwas areglo na sa Maynila dahil sa body cam
PAGSUSUOTIN na ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang lahat ng mga traffic enforcers sa lungsod upang maiwasan ang pakikipagtalo ng mga motoristang lumalabag sa batas trapiko.
Sa ngayon ay 100 body cameras pa lamang ang natanggap na donasyon ng alkalde mula sa Canton Chamber of Commerce na nangakong daragdagan pa ang mga ito hanggang mapagkalooban ang lahat ng 800 traffic enforcers ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).
Isusuot ng mga traffic enforcers ang body camera na may kasama pang silbato sa kanilang pagtupad sa tungkulin.
Sabi ni Yorme Isko, tatagal ng 15-oras ang baterya ng camera kaya’t sobra-sobra ang buhay nito sa walong oras nilang pagtatrabaho at mamo-monitor din nila kung sadya itong papatayin kapag nais makipag-areglo ng motorista.
Ayon sa alkalde, bukod sa maire-record ng mga enforcers ang mga kamote driver at pasaway na motorista, magiging daan din ang suot nilang camera upang hindi gumawa ng katiwalian o mangotong sa mga traffic violators.

