Volcano Source: File photo

Iwasang lumabas ng bahay, buga ng Taal Volcano ‘very unhealthy

Christian Supnad Aug 21, 2024
54 Views

NANAWAGAN Miyerkules si Bataan Gov Joet S Garcia sa mga Bataeños na iwasan muna ang lumabas sa bahay dahil sa “very unhealthy” mark ng particulate atter o pinong alikabok na binubuga ng Taal Volcano.

“Noong, ika-20 ng Agosto alas kwatro ng hapon (4 P.M.), 𝘁𝘂𝗺𝗮𝗮𝘀 𝘀𝗮 “𝗩𝗲𝗿𝘆 𝗨𝗻𝗵𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵𝘆” 𝗺𝗮𝗿𝗸 𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗿𝘁𝗶𝗰𝘂𝗹𝗮𝘁𝗲 𝗠𝗮𝘁𝘁𝗲𝗿 (𝗣𝗠 𝟮.𝟱 𝗔𝗤𝗜) 𝗼 𝗽𝗶𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗮𝗹𝗶𝗸𝗮𝗯𝗼𝗸 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝘆 𝘀𝘂𝗸𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝟮.𝟱 𝗺𝗶𝗰𝗿𝗼𝗻𝘀 𝗽𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗤𝗜 𝗡𝗼𝘄𝗖𝗮𝘀𝘁 𝗮𝗶𝗿 𝗾𝘂𝗮𝗹𝗶𝘁𝘆 𝘀𝗲𝗻𝘀𝗼𝗿 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗿𝗶𝘃𝗲𝗹𝗲𝘀, 𝗕𝗼. 𝗟𝘂𝘇, 𝗮𝘁 𝗟𝗮𝗺𝗮𝗼 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀. 𝗔𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮 𝗔𝗶𝗿 𝗤𝘂𝗮𝗹𝗶𝘁𝘆 𝘀𝗲𝗻𝘀𝗼𝗿 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝘂𝗺𝗮𝗯𝗼𝘁 𝗻𝗮 𝘀𝗮 “𝗨𝗻𝗵𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝗦𝗲𝗻𝘀𝗶𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗚𝗿𝗼𝘂𝗽𝘀” 𝗹𝗲𝘃𝗲𝗹,” ani Garcia.

Ayon sa ulat, ang “Particulate Matter (PM) is made of solid particles and liquid droplets in the air. PM can come from many places. In general, any type of burning or any dust-generating activities are sources of PM.”

Ano ba ang particulate matter at bakit harmful?

“Particulate Matter contains microscopic solids or liquid droplets that are so small that they can be inhaled and cause serious health problems. Some particles less than 10 micrometers in diameter can get deep into your lungs and some may even get into your bloodstream,” ayon sa report.

Dahil sa binubuga ng Taal Volcano, nanawagan si Garcia sa mga Bataeńos na huwag munang lumabas sa bahay kundi kinakailangan dahil nakarating na sa Bataan ang alikabok ng volcano. Aniya, madaling tamaan ng sakit dulot nito ay ang mga bata,matatanda, may sakit sa baga at puso.

Sinabi ni Garcia na kailangang gumamit ang mga tao ng KN95 face mask kung lalabas sila.

Base sa report ng Provincial Government of Bataan Environment and Natural Resources Office (ENRO Bataan), nagkaroon ng pagtaas ang level of sulfur dioxide o SO2 dito sa Bataan.