Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Jackpot ng Ultra Lotto muling tinamaan

Arlene Rivera Aug 12, 2023
311 Views

INIULAT ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na tinamaan ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 na binola gabi ng Biyernes, Agosto 11.

Ito ang ikalawang beses na tinamaan ang jackpot prize ng UltraLotto ngayong Agosto.

Ang una ay noong Agosto 8 na nagkakahalaga ng P87 milyon.

Sa pinakahuling bola, lumabas ang winning number combination na 50 – 46 – 57 – 40 – 04 – 19. Isa lang ang tumama ayon sa PCSO.

Isa naman ang nanalo ng P120,000 matapos nakuha ang lima sa anim na numerong lumabas.

Tig-P2,000 naman ang tinamaan ng 230 mananaya na naka-apat na numero at tig-P100 ang 6,730 mananaya na nakatatlong numero.

Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanilang premyo. Ang premyo na mahigit P10,000 ang halaga ay pinapatawan ng 20% buwis.

No Matter How Bad Yesterday Was, It Is Now Part Of The Past