Janine pang-siyam na dyowa ni Echo

Aster A Amoyo Jan 7, 2025
31 Views

KUNG babalikan, ang singer at award-winning actor na si Jericho Rosales ay nagsimula when he was 17 years old nang siya’y manalo sa “Mr. Pogi” contest, isang segment ng noontime program na “Eat Bulaga” nung 1996. Sa sumunod na taon ay naging contract talent siya ng Star Circle (now Star Magic) Batch 4.

Ang career ni Jericho ay umalagwa nang husto nang gawin nila ni Kristine Hermosa ang top-rating TV series ng ABS-CBN, ang “Pangako sa `Yo” nung taong 2000. Sa nasabing programa rin sila nagkalapit ni Kristine hanggang sa maging sila. Ang relasyon ng dalawa ay tumagal nang halos apat na taon until their separation in 2004.

Kristine is now happily married to Oyo Sotto at meron na rin silang anim na taon.

Magmula nang makilala si Echo (palayaw ni Jericho) sa showbiz ay na-link na siya sa siyam na babae mostly from showbiz at pang-siyam bale ang kanyang present girlfriend, ang Kapamilya singer-actress-host na si Janine Gutierrez. He was previously married to British-born Australian na si Kim Jones na isang modelo, ditital creative and fashion influencer, blogger, stylist, designer and photographer. The uncouple now started dating in 2011 and got married in a beach-wedding ceremony in Boracay nung May 1, 2014. Their separation was only confirmed in January 2024 but they were already living separately as early as 2019. Pero ang maganda sa dalawa, nanatili silang magkaibigan hanggang sa kanilang paghihiwalay. Naging close din si Kim sa kaisa-isang anak ni Echo sa dating modelo na si Kai Palomares.

Bukod kina Kristine Hermosa, Kai Palomares at sa ex-wife niyang si Kim Jones, si Echo ay na-link din noon sa singer-actress na si Angelika de la Cruz,

Kate Abad, Cindy Kurleto, Heart Evangelista at sa TV host and sportscaster na si Cesca Litton.

Sa pamamagitan ng TV comeback ni Echo nung isang taon, ang TV drama and action series na “Lavender Fields” ay nagkalapit sila ng panganay ng dating mag-asawang Lotlot de Leon at Ramon Christopher na si Janine Gutierrez hanggang sa maging sila.

Bago si Echo ay naging nobyo ni Janine si Paulo Avelino na nali-link naman ngayon kay Kim Chiu.

Naging nobyo naman dati ni Janine sina Elmo Magalona at Rayver Cruz before Paulo Avelino.

Jericho has a 24-year-old son sa dating model na si Kai Palomares na si Santino Rosales na isa ring ramp model tulad ng kanyang mom before pero minana naman nito ang hobbies and sports ng kanyang ama including surfing.

Jericho is 45 and 35 naman si Janine.

Ngayong malapit nang magtapos ang top-rating series na “Lavender Fields,” inaasahan naman ang muling pagtatambal nina Echo at Janine in a new TV series maging sa pelikula.

Sofronio aminadong nagmula sa ’It’s Showtime”

SofronioHINDING-hindi makakalimutan ng kauna-unahang Asian champion sa “The Voice USA” na si Sofronio Vasquez ang kanyang pagbabalik sa entablado ng “It’s Showtime” hindi bilang contestant ng “Tawag ng Tanghalan” kung saan siya nagmula kundi ang mainit na pag-welcome sa kanya ng programa na pinangunahan mismo ni Vice Ganda.

Bukod sa production number with the TNT champs na sina JM Yosures, Luke Estrealla, Rea Gen Villareal, Reiven Umali, JM de la Cerna at Mariel Yosuren, kasama rin ang TNT Hurados na sina Nyoy Volante, Klarisse de Guzman, Yeng Constantino at Darren Espanto.

Damang-dama ni Sofronio ang mainit na pagtanggap sa kanya ng “It’s Showtime” family. Ginawaran din ng special award mula sa Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM) na pinamumunuan ng singer-songwriter, TV host, actor-comedian at concert producer na si Ogie Alcasid.

Bukod sa “It’s Showtime,” mainit din ang naging pagtanggap sa kanyang special guesting sa “ASAP Natin `To”.

Bago tumulak for New York, USA kung saan siya ngayon naka-base, si Sofronio ay panandaliang nag-work sa programang “It’s Showtime” bilang vocal coach ng mga TNT contestants na hinding-hindi niya makakalimutan.

Hindi man siya pinalad na manalo sa “It’s Showtime,” naging stepping stone naman niya ito sa pagtupad ng kanyang mga pangarap na marating ang entablado ng “The Voice USA” kung saan siya tinanghal ng grand champion.

David ayaw sumakay sa JakBie breakup

BarbieBarbie1KUNG marami man ang nalungkot sa hiwalayang Barbie Forteza at Jak Roberto, nagbubunyi naman ngayon ang mga supporter ng BarDa nina Barbie at David Licauco na hiwalay na rin umano sa kanyang non-showbiz girlfriend.

Umaasa ang BarDa fans na magpapatuloy ang tambalan ng dalawa maging sa totoong buhay ngayong pareho na umanong single sina Barbie at David.

Ayaw umanong makisawsaw ni David sa hiwalayang Barbie at Jak lalupa’t siya ang itinuturo ng marami diumanong dahilan sa paghihiwalay ng (dating) magkasintahan.

Wala pang balita kung may follow-up project sina Barbie at David pagtapos ng kanilang recent TV series, ang “Pulang Araw” pero positibo ang kanilang mga supporters na tiyak na may bagong proyekto na ibibigay sa dalawa.

Rhen tuluy-tuloy ang magandang career

RhenRhen1MASAYA ang Viva actress na si Rhen Escano dahil siyam na buwan nang namamayagpag sa ere (TV5) ang action-drama series na “Lumuhod Ka Sa Lupa” na pinagsasamahan nila nina Kiko Estrada, Sid Lucero at iba pa produced ng Viva TV for TV5.

It was in April 8, 2024 nang magsimula ang TV adaptation series mula sa 1986 action drama movie of same title na pinagbidahan ng yumaong action star na si Rudy Fernandez na pinamahalaan ni Manuel `Fyke’ Cinco under Seiko Films.

Ang action-drama series ay magkatulong na pinamamahalaan ni Albert Langitan at Roderick Lindayag na nagsimula sa hapon at inilipat sa primetime slot. Ito bale ang longest TV series na napapanood sa TV5 hanggang ngayon.

Speaking of Rhen, magpapatuloy ang kanyang pagiging brand ambassador ng CC6 online Casino na kanyang sinimulan nung isang taon. At bilang brand ambassador ng CC6, patuloy na mag-iikot si Rhen sa mga depressed areas kung saan sila namamahagi ng tulong sa mga nangangailangan.

Bukod sa TV series, umaasa rin si Rhen na magiging busier ang taong 2025 for her laluna sa paggawa ng pelikula.

Memorable kay Rhen ang ginawa niyang hit horror movie, ang “Marita” na pinamahalaan ni Roni Benaid under Viva Films maging ang mahigit niyang isang taong pagiging bahagi ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin.

Pagdo-donate ni Dennis ng cash prize sa PDLs, suggestion ni Jennylyn 

DennisANG misis ni Dennis Trillo na si Jennylyn Mercado ang nag-suggest na i-donate na ang P100,000 cash prize sa pagkakapanalo ng actor bilang Best Actor sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang “Green Bones” ng 50th Metro Manila Film Festival. Ang nasabing pelikula ay nakapg-uwi pa ng apat na awards including Best Picture, Best Supporting Actor at Best Child Actress.

Ang manager ni Dennis na si Jan Enriquez ang nag-claim ng cash prize na P100,000 na agad dinoneyt sa PDL’s (persons deprived of liberty) sa pamamagitan ni JC Rubio, ang program manager ng “i-Witness” at “Kara Docs” at concept creator ng “Green Bones”.

Ang fictional `Tree of Hope’ na napanood sa pelikulang “Green Bones” ay may totoong `Wish Tree’ in General Trias City Jail in Cavite kung saan nakasabit ang iba’t ibang mga kahilingan ng mga PDLs.

Bukod sa P100,000 ni Dennis, dinoneyt din sa mga PDLs ng Team `Green Bones’ ang perang kanilang napanalunan sa “Family Feud” para makatulong na matupad ang munting kahilingan ng mga preso.

Habang extended ang palabas ng “Green Bones” at iba pang entries ng MMFF hanggang January 14, 2024, malapit na ring ipalabas sa mga sinehan ang unang tambalan sa pelikula ng mag-asawang Dennis at Jennylyn Mercado, ang romantic-comedy film na “Everything About My Wife”.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “Inside SHOWBIZ, atbp. with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.