Japanese

Japanese nat’l di nasunod ang gusto; doctora pinagbantaan, dinuraan

11 Views

ARESTADO ang isang Japanese national sa Antipolo City dahil sa unjust vexation, other light threats at slander by deed.

Ayon sa Antipolo City police ang suspek ay kinilalang si alyas Ayomo.

Nakalap sa imbestigasyon na dumating ang suspek sa Clinica Antipolo at kinausap si Dra. Vanessa Castanoy Gallano at sinabing nakaramdam siya ng pananakit sa kanyang kanang pulso at tiyan dahil sa aksidente.

Hiniling ng suspek na bigyan siya ng doktora ng medical certificate na may mahabang araw ng pahinga.

Gayunpaman, tumanggi ang doktora at sinabihan ang suspek na kailangan muna itong sumailalim sa karagdagang diagnostic examination pero tinanggihan ng suspek.

Sinundan ng suspek ang doktora at kinausap ito sa mataas na tono at pagbabanta ng boses malapit sa mukha nito na iginiit kung ano ang gusto nito na ikinatakot niya.

Humingi ng tulong ang doctor sa kanilang duty security guard na si Allan Pernada Del Rosario.

Habang nag-uusap si Pernada at suspek, dinuraan pa ang doktora ng suspek sa mukha dahilan upang arestuhin ang suspek at humingi ng tulong sa pulisya.