Jennylyn

Jennylyn at Dennis hindi sinasabayan ang isa’t isa

Vinia Vivar Jul 20, 2024
67 Views

DennisPURING-PURI ng entertainment press ang timeless beauty ni Jennylyn Mercado sa katatapos na super-bonggang launch niya bilang pinakabagong endorser ng Beautederm.

Ginanap ang launching at contract signing ni Jen sa newly-opened Solaire Resorts North sa Quezon City.

Bukod sa aktres, of course, present ang Beautederm President and CEO na si Rei Anicoche-Tan at ang managers ng aktres na sina Jan Enriquez at Katrina Aguila.

Dahil nga parang hindi tumatanda si Jen, natanong ang Kapuso Ultimate Star kung paano niya hina-handle ang stress bilang maybahay ni Dennis Trillo at mother of two kids.

“Well, si Dennis kasi, napakabait na partner, so ang ganda ng tandem naming dalawa. ‘Pag ako ‘yung nai-stress at hindi ko alam ang gagawin ko, siya ‘yung ‘o teka, ako muna, rumelax ka lang diyan, matulog ka, ano ka lang, ano gusto mo?’ ‘Yung ganu’n,” sey ni Jen.

Ganu’n din daw naman siya sa asawa. Kumbaga ay palitan lang sila at hindi nila sinasabayan ang isa’t isa lalo na kapag may problema.

“Kapagka nagkakaroon kami ng problema, kahit na ‘yung problema naming dalawa kapag nag-aaway kami, ops, ‘pag medyo mainit na ‘yung ulo, hihiwalay muna kami ng kwarto. Magkukulong ako dito, du’n siya sa kabila. ‘Yung ganu’n. ‘Yung alam namin kung paano siya iha-handle.

“Nakatulong ‘yung matagal nang naging kami at nakilala na namin nang husto ang isa’t isa,” sey niya.