Larawan mula sa IG/@jerichorosalesofficial at @bernardokath

Jericho bet makatrabaho si Kathryn

139 Views

NAIS daw makasama ng hunk actor na si Jericho Rosales ang ‘A Very Good Girl’ actress na si Kathryn Bernardo sa isang proyekto.

Sa Instagram stories ni Jericho, ni-repost niya ang isang post kung saan nagpapakita ng photo collage niya at ni Kathryn kasama pa ang ilang aktor na sina Enrique Gil, James Reid, at Donny Pangilinan.

Ayon sa nasabing post, nais nilang makitang makatrabaho o bilang leading man ni Kathryn ang mga nabanggit na aktor.

Sey naman ni Jericho, gustuhin man niyang maitambal sa iba pang aktor na nabanggit, mas may sense raw kung si Kathryn ang makakapareha niya sa isang trabaho.

“While I would love to be paired with these gorgeous leading men, I think it would make more sense to work with Kath at this moment,” pahayag ng hunk actor.

Tila nagbunyi naman ang ilang netizens sa ideyang pagsasama sa isang proyekto ng dalawa.

“Consistent si Echo gusto niya talaga maka work si Kathryn noh? Nakaka excite sana matuloy na!”

“Sana magkatotoo na ‘to…2019 pa yan sinabi ni Echo na gusto nya makawork si Kath kaso naunahan pa raw sya ni Alden.”

“Bagay! Sana yung magandang story line! Love story na drama. I’m seated for this!”

“Sana nga! Manunuod ako! Kath and Echo!”

“Yes pleaseeeeee!!! Super bagay!!! Manunuod ako for sure!!!”