Daniel Larawan mula sa IG/@iamrobidomingo at @supremo_dp

Daniel kay Robi: ‘In-unfollow mo ba ako, galit ka sakin?’

91 Views

MAY pabirong hirit ang aktor na si Daniel Padilla para sa TV host na si Robi Domingo ukol sa isyung pag-unfollow-an ng mga celebrities.

Nagkaroon ng pagkakataong makapanayam ng entertainment reporter at comedian-actor na si Ogie Diaz si Robi, kung saan muli nitong nilinaw ang mga isyung iniugnay sa kanya.

“Robi, sinagot mo na to pero maikli lang yung sagot mo dun bilang sagot mo na parang hindi totoo yung news na inunfollow mo si Andrea. Finollow mo ba siya in the first place?” wika ni Ogie kay Robi.

“Hindi po. Yun din yung iniisip ko na hindi ko rin alam, nung una pa lang, kung ano yung handle niya. Kasi hanapin mo Andrea Brillantes, yung lumalabas Blythe. Katulad din yung kay Daniel, parang Daniel Padilla, ang lumalabas, Supremo?” sagot naman ng TV host.

Nilinaw din niya na kaibigan pa rin ang turing niya sa mga ito kahit na hindi niya pina-follow sa social media.

“It doesn’t mean na kung hindi ko sila finofollow, hindi ko sila kaibigan. Parang for me, yung relationship ko with them, transcends yung pagfa-follow follow. We’re good. Okay lang,” paliwanag ni Robi.

Naikuwento rin ng TV host na biniro pa raw siya ni Daniel kamakailan lang.

Actually nung isang araw, nakausap ko pa si Daniel, at nagtawanan kami, yun yung meron siyang movie conference or story conference. Tas nagbiruan lang kami, sabi niya sakin, ‘inunfollow mo ba ko? Galit ka sakin?’ Tas nagtawanan lang kami. Dahil for us, hindi issue yun talaga eh,” ani Robi.