Carmina

John Lloyd super crush ni Carmina

Aster A Amoyo Aug 20, 2024
113 Views

SA isang episode ng programang “Sarap Di Ba,” ipinagdiwang ang ika- 49 taong kaarawan ng host nito na si Carmina Villarroel na napapanood din sa Kapuso hit afternoon series na “Abot Kamay Na Pangarap.”

Kasama ang kanyang mga anak na sina Mavy at Cassy, nagpakita ng ilang larawan ng mga aktor na dapat i-describe ni Carmina.

Ang co-star niya sa Abot Kamay na Pangarap na si Richard Yap, tinawag ni Carmina na maginoo.

Sa isang bahagi ng segment, binanggit din ni Carmina na “looks can be deceiving” kay Richard, dahil may kakulitan at funny umano ang aktor sa kabila ng gentleman, malinis at mabango nitong hitsura.

Si Gabby Concepcion, sinabihan ni Carmina na “red lips,” habang tinawag niyang “kuya” nang ipakita ang larawan ni Richard Gomez.

Bahagyang natagalan naman sa pagsagot si Carmina nang ipakita ang larawan ni Keempee de Leon, na inamin niya na kanyang naging unang nobyo.

Crazy at cool naman na inilarawan ng aktres si Ian Veneracion, habang mabilis na super crush ang sinabi ni Carmina nang ipakita ang larawan ni John Lloyd Cruz.

“Ang galing niya kasing umarte,” paliwanag ni Carmina patungkol kay John Lloyd nang tanungin kung bakit niya ito naging super crush.

TGIS nagkaroon ng mini-reunion

TGISAngeluMATAPOS mag-post ni Pulang Araw star Angelu De Leon ng throwback picture nila ng co-stars sa teen-oriented ’90s show na T.G.I.S. para sa 29th anniversary ng kanilang show, nagkaroon naman sila ng isang mini-reunion para ipagdiwang ang kanilang “29 years of friendship”.

Nag-post ng ilang litrato si Angelu sa kaniyang Instagram post kung saan makikitang kasama niya sina Bobby Andrews, Ciara Sotto, at Michael Flores.

Kasama rin nila ang writer ng serye na si Kit Villanueva at ang dating direktor nila sa teen-oriented show na si Mark Reyes at direktor ng Pulang Araw na si Direk Dominic Zapata.

Sa caption, binati ni Angelu ang kaniyang co-stars ng “Happy Anniversary.”

“Happy Anniversary guys! Group Hug! Thank you for the surprise cake,” sulat niya.

Sinabi rin niyang na-miss nila ang iba pa nilang kasamahan sa serye na sina Rica Peralejo, Bernadette Allyson, Red Sternberg, Raven Villanueva, at Onemig Bondoc.

Yassi pinaiyak ng driver ng ride-hailing app

NAGING emosyonal ang aktres na si Yassi Pressman dahil sa experience niya habang nasa sasakyan na na-book niya gamit ang isang ride-hailing app.

Sa isang maikling video sa Instagram, ibinahagi niya ang kanyang kakaibang commuting experience.

Habang kausap niya ang driver na si Josh, ibinahagi nito na ipinangalan nila ng kanyang asawa ang panganay nilang anak kay Yassi.

Ipinakita pa niya sa aktres ang litrato ng kanyang anak.

“Kuya, ang swerte ko naman na ikaw ‘yung nag-drive sa akin. Naiyak naman ako,” maririnig na sambit ni Yassi sa video.

Nakausap pa niya sa isang maikling video call ang asawa ni Josh na si Girlie pati na ang anak nilang si Yassi.

Lubos na na-touch ang aktres dito dahil malaking paalala raw ito na maraming taong nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

“Commuter mode yesterday and what are the odds that i met kuya josh, my driver yesterday, who named his daughter after me?! 🥺 i cry!! the universe will always have a way of telling you that you are surrounded by so much love and i hope you guys feel that too ✨ I love you guys, salamat palagi,” sulat niya sa Instagram.

Crystal mas prefer ang teatro

CrystalHINDI maitatanggi ng Kapuso singer at actress na si Crystal Paras na naging dream come true para sa kaniya ang mapasama sa cast ng hit musical play na Rak of Aegis.

Ayon pa sa singer-actress, isa iyon sa best experience ng kaniyang buhay.

Sa interview ng GMA Network kay Crystal, sinabi niyang sa pagitan ng singing at acting, mas prefer niya ang mag-teatro kung saan kumakanta at umaarte siya ng sabay. Ibinahagi rin ng Kapuso singer ang natutunan niya sa pagiging parte ng cast ng teatro.

“Of course, pinapangarap din po natin maging bida, but with Rak, I realized na theater, stage acting instead of TV acting, parang du’n ko lang na-realize, I’ve been acting since I was 5, du’n lang nag-realize ‘yung kasabihan nila na ‘There are no small roles,’” sabi ni Crystal.

Gumanap bilang isang ensemble si Crystal sa Rak of Aegis at kuwento niya, kinailangan niyang magpapalit-palit ng character sa bawat kantang inaawit nila sa play.

“Du’n po nabatak talaga,. Hindi po talaga ako sumasayaw, actually hindi ko po alam paano ako nakapasok du’n pero maraming salamat po sa tiwala. Hindi rin po ako bumibirit, again, living proof po na you can do everything if you just push [yourself],” sabi ng singer-actress.

Pagpapatuloy pa ng OST Gem, “Aegis po ‘yun, mga Kapuso, hindi po talaga ako bumibirit, pero nakapasa po ako du’n and I will always cherish that kasi kasama ko mga beteranong sa teatro and hindi ko maipagpapalit ‘yung mga experience na ‘yun with anything else.”

Aminado naman si Crystal na gusto niyang bumalik sa teatro at sa katunayan, kailan lang ay nag-audition siyang muli halos anim na taon pagkatapos ng Rak of Aegis. Sa kasamaang palad ay hindi siya nakapasok.

Kuwento pa ni Crystal ay noong nakapasok siya bilang isa sa mga ensemble ng play, kinailangan niyang i-give up ang posisyon niya sa reality singing competition na The Clash kung saan nakasama niya sana sa season 1 sina Anthony Rosaldo at Garrett Bolden.

Aniya, sinabihan siya noon na kinailangan niyang mamili sa pagitan ng kompetisyon at ng play at pag-amin ni Crystal, inakala niyang dito na magtatapos ang pangarap niyang makapasok sa network.

Ngunit paglilinaw ni Crystal, “Maganda na rin na nangyari po ‘yun, may rason din po ‘yun dahil after nu’n, nagkaroon po ako ng opportunity na makapag-audition sa StarStruck, I had friends who were pushing me, helping me.

“Siyempre, wala rin ‘yung parents ko, nasa abroad din ‘yun, kinakailangan ko ng support so they were all there for me and I will never forget it, and the rest is history. From OSTs with Playlist ngayon, kumakanta na kami ng originals,” pagtatapos ng Kapuso singer.