Juday

Juday, LT non-stop takutan, bugbugan

Jun Nardo Sep 11, 2024
46 Views

NON-STOP takutan at bugbugan sa aktingan ang handog ng Quantum Films sa 20th year nito dahil pinagsama sa unang pagkakataon ang magagaling na aktres na sina Lorna Tolentino at Judy Ann Santos sa horror movie event na isinulat ng award-winning writer na si Chris Martinez at idinirek ng master director na si Chito Rono.

Ang title ng movie nina Juday at LT ay “Espantaho” tungkol sa isang pamilya na may kanya-kanyang sikreto na mas masama kesa sa iba.

Bukod kina Lorna at Judy Ann, nasa powerhouse cast din sina JC Santos, Chanda Romero, Mon Confiado, Nico Antonio, Donna Cariaga at Janice de Belen. May special roles naman sina Eugene Domingo at Tommy Abuel.

Katuwang ng Quantum Films sa pag-produce sa horror movie event of the year na “Espantaho” ang Cineko Productions at Purple Bunny Productions.

Magic Voyz inspired sa Magic Mike

VoyzKILITING-KILITI ang girls at mga accla na nanood sa mini concert ng all-male group na Magic Voyz sa Viva Café last Tuesday night.

Eh, seksing-seksi kasi ang pitong members na karamihan ay Vivamax hunk actors. Binuo sila ng manager na si Lito de Guzman upang maipakita pa ng boys ang ibang talents bukod sa pagpapaseksi. Inspired ito sa grupong “Magic Mike” noon.

Sa show ng Magic Voyz, ipinarinig nila ang first single nilang “‘Wag Mo Akong Titigan” at bongga ang music video ng song, huh!

Ang bumubuo ng Magic Vhoyz ay sina Jhon Mark Pacia, Juan Paolo Calma, Mhack Morales, Rave Onado, Ian Briones at Johan Shane, na composer ng kanta.