The bagman John Arcilla, Arjo Atayde and Judy Ann Santos

Judy Ann, John at Arjo sasabak sa international series na ‘The Bagman’

Eugene Asis Mar 2, 2024
211 Views

BILANG bahagi ng misyon ng ABS-CBN na maging isang global storytelling company, pinangunahan ng ABS-CBN International Productions ang unang ABS-CBN Hollywood Bootcamp, kung saan nagkaroon ang piling creatives mula sa ABS-CBN Films, TV Production, at International Productions ng online masterclasses sa loob ng walong linggo na pinamunuan ni Los Angeles-based Development Executive for International Productions, Lea Dizon, tampok ang ilang Hollywood executives.

Sa ngayon, ginagawa na ng ABS-CBN for international streaming ang “The Bagman,” ang 2024 action-drama series na pagbibidahan nina Arjo Atayde, John Arcilla, at Judy Ann Santos.

Kabilang sa cast ng premium spin-off ng iWant digital series na “Bagman,” sina Tirso Cruz III, Ryan Eigenmann, Charlie Dizon, Gela Atayde, Joem Bascon, Art Acuna, Chai Fonacier, Sheila Valderrama, Ana Abad Santos, Al Tantay, Nino Muhlach, Jeffrey Santos, at Ynez Veneracion.

Magkakaroon ang “The Bagman” ng walong (8) one-hour episode na ipo-produce ng ABS-CBN International Productions, Dreamscape Entertainment, Rein Entertainment, at Nathan Studios Inc. Nasimulan na rin ang principal photography ng serye noong Pebrero 25 at kasado na itong ibenta sa FILMART, ang pinakamalaking film at entertainment content marketplace sa Asya, para makahanap ng co-production partners at makalikom ng pre-sales mula Marso 11-14, 2024 sa Hong Kong.

“ABS-CBN’s track record as a storyteller and content creator is one of our key assets that makes us a solid partner in international co-productions, as seen in our growing slate of global titles. As a pioneer and leader in globalizing Filipino content, we are pleased to be offering The Bagman at this year’s FILMART as it further strengthens our position as advocating for Filipino representation in today’s global marketplace. With the phenomenal cast now complete, coupled with the recent start of production, we have no doubt The Bagman will be a hit among buyers and co-prod companies in Hong Kong,” sabi ni ABS-CBN head of International Productions Ruel S. Bayani.

Sa “The Bagman,” magbabalik si Arjo Atayde bilang si Benjo Malaya, ang barber na naging tauhan ng gobernador na ngayon ay isa ng bilanggo. Nang malaman ni Benjo na nawawala ang kanyang pamilya, mapipilitan siyang bumalik sa kanyang madilim at mapangahas na nakaraan para simulan ang kanyang misyon bilang bagman ng presidente ng Pilipinas upang pigilan ang isang napipintong digmaan.