Calendar
Julia Barretto nambulabog bilang bagong calendar girl
BINULABOG ng aktres na si Julia Barretto ang social media nang inanunsyo na siya ang calendar girl para sa taong 2024 ng Tanduay.
Sa Instagram page ng aktres nitong Miyerkules, Nobyembre 15, ibinahagi niya ang kanyang larawan suot ang isang bikini at maging ang calendar version ng nasabing larawan.
“Tanduay 2024,” sey ni Julia sa caption.
Sa press conference sinabi ng aktres na kinakabahan siya pero excited sa pagiging calendar girl ng nasabing brand ng alak at hiling pa niya’y marami nawang matuwa.
“It was something I was nervous about but also very excited because it was an honor to be chosen to represent the brand for 2024. Excited but nervous because it means having to be a lot more braver in expressing myself,” wika ni Julia.
“To be the face of it, malaki siyang karangalan sa ‘kin and I hope that I did them proud. I hope that the team and my new family is proud about the new calendar. Sana marami maging masaya at matuwa sa aking ginawa a few months ago pa,” dagdag pa ng aktres.
Sa comment section naman ng post, pinusuan at inulan ng komento ang sexy body ni Julia mula sa kapwa niya celebrities. Ilan sa mga ito sina Chie Filomeno, Maxine Medina, Iza Calzado, Ruffa Gutierrez, at Maui Taylor.
“HEY CALENDAR GIIIIIRL!!!” sey ni Chie.
“There she issssss,” komento naman ni Dani Barretto.
“Yun naman eh. Grats Ju!” wika ni Jerald Napoles.
“SLAYYYYYYY ATE KOOO,” saad ni Awra Briguela.