Manny pacquiao Larawan mula sa IG/@mrandmrsfrancisco

Manny Pacquiao todo suporta sa pelikula ni Melai

111 Views

NAGPAABOT ng suporta ang boxer-politician na si Manny Pacquiao para sa pelikulang “Ma’am Chief” ng actress-comedienne na si Melai Cantiveros.

Sa Instagram post ni Melai, inimbitahan pa ng ‘Pambansang Kamao’ na paanorin din ng iba ang nabanggit pelikula.

“Showing naa ang #MaamChief is Real , tara na sa mga sinehan mga Kamsamiiiiiii . Tan aw nata labi na mga taga Gensanatics kay makatawa mu ug makilig mu with Korean Oppa Now na,” sey ni Melai sa caption ng kanyang post.

Nagbigay pasasalamat din ang actress-comedienne kina Manny at maging sa asawa at socialite na si Jinkee.

“Salamat kaayu @mannypacquiao and @jinkeepacquiao for gracing your time sa amin,” wika niya.

Isa ang boxer-politician sa mga naging ninong nina Melai at Jason sa kanilang kasal.

Parehong tubong General Santos City sina Melai at Manny.