Lapillus

K Pop group Lapillus na may Pinay member nasa Pinas

301 Views

Lapillus1

HANDANG-handa na ang mga members ng freshest K-Pop group na Lapillus para mag- Hit Ya sa Pinas!

Ang pinakabagong six-member K-Pop girl group na Lapillus ay magkakaroon na ng chance na makita ang kanilang mga Filipino supporters. Punong-puno ng mga activities ang susunod na dalawang linggong pagbisita ng all female K pop idols para sa

“Hit Ya Pilipinas, The Lapillus Manila Tour.”

Mula sa kanilang debut ng digital single na “Hit Ya!” nitong June, naging mainit na online world sa suporta ng 4th Gen group mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Kinabibilangan ng kanilang leader na si Shana, main dancer na si Yue, main vocalist Bessie, main rapper Seowon, Maknae (bunso sa grupo) Haeun, and of course, ang Filipino pride at visual (pinakamaganda sa grupo) na si Chanty na dating ABS-CBN talent.

Simula nang in-announce ang kanilang pagdating dito sa Manila ay nasabik sia na Dumating sa ibahagi, hindi lamang ang kanilang musika, kundi maging ang kanilang paglalakbay sa pagiging isang K-pop idol. Trending topics din ang #MabuhayLapillus at #LapillusinManila/

Ang all-female group sa ilalim ng Korean entertainment agency na MLD Entertainment, na nagdala sa Momoland sa spotlight, ang nagpapakita ng kanilang sariling brand ng musika sa pamamagitan ng ilang lokal na events at activities.

Bukod sa exclusive multi-platform interviews, abangan ang Lapillus sa kanilang exclusive photoshoots, TV at online appearances bukod sa kanilang packed na schedule ang ilang creative vlog collaborations, live performances at immersions.

Dalawang malaking fan meets ang gagawin nila sa September 10 sa Market! Market at September 11 sa Ayala Fairview Terraces, kung saan magkakaroon sila ng pagkakataong makilala ang kanilang mga masugid na Pinoy fans.

Kasunod ng kanilang debut single na “Hit Ya!” na ngayon ay nakakuha na ng 10 milyong views sa YouTube, ang sextet ay muling magbabalik sa darating na September 22. This time ay para ilabas ang kanilang bagong single na “GRATATA” na inilalarawan bilang isang “Mumbaton rhythm song with an addictive hook.”

“We are very grateful and excited to share our music and who we are as performers to our Filipino fans, who have been especially supporting us ever since our debut,” ayon kay Shana.

Si Chanty naman ay ay masaya na nakauwi at nabigyan ng pagkakataon ang kanyang mga kasama sa Lapillus na maranasan ang kakaibang init at pagmamahal ng mga Pilipino.

“This is the first time that i’m coming home since our debut and I’m just thrilled to be back. Because this time, I know I can give more to my supporters, and hopefully I can inspire some of them to continue chasing their dreams, just like what I did,” ika ni Chanty.

Para sa iba pang updates, i-follow ang kanilang official social media accounts ng Lapillus