PMPC, inanunsiyo ang mga opisyal na nominado para sa 37th Star Awards for Movies

202 Views

MULING nagbabalik ang Isa sa pinakahihintay na film awards night, ang Star Awards for Movies na inoorganisa ng The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC).

Sa pagakakataong ito, bibigyang pagkilala at parangal ng 37th Star Awards for Movies (na nananatiling premyado sa loob ng halos apat na dekada) ang ipinakitang husay sa pagganap ng mga artista at ng mga nasa likod ng kamera at produksiyon upang mabuo ang isang makabuluhang pelikula — sa gitna ng pandemya noong 2020 at maipalabas sa iba’t ibang uri ng platform upang mapanood ng publiko.

Nakatakda ring igawad ang dalawang natatanging mga parangal.

Una ay sa beterano at respetadong aktor na si Ronaldo Valdez para sa Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award, at ang ikalawa’y para sa internationally acclaimed director na si Brillante Mendoza para sa Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award.

Ang natatanging pagtatanghal na ito ay pangungunahan ng kasalukuyang pangulo ng PMPC na si Fernan de Guzman, kasama ang sinundan niyang presidente na si Roldan Castro bilang over-all chairman para sa 37th Star Awards for Movies.

Ang petsa ng gabi ng parangal at iba pang mahahalagang detalye ay pormal na isasapubliko sa mga susunod na araw.

Narito ang ilan sa mga nominado:

MOVIE OF THE YEAR 

· “Fan Girl” (Black Sheep, Globe Studios, Epicmedia Productions, Project 8 Projects, Crossword Productions)

· “Four Sisters Before The Wedding” (Star Cinema)

· “Isa Pang Bahaghari” (Heaven’s Best Entertainment)

· “Love Lockdown” (Dreamscape Entertainment and iWantTFC)

· “Nightshift” (Viva Films, Aliud Entertainment, ImaginePerSecond)

· “On Vodka, Beers, and Regrets” (Viva Films)

· “Untrue” (Viva Films, IdeaFirst Company, October Train Films)

· “Us Again” (Regal Entertainment)

MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR

· Mae Cruz Alviar (Four Sisters Before The Wedding)

· Joy Aquino (Us Again)

· Sigrid Andrea Bernardo (Untrue)

· Noel Escondo, Manny Palo, Andoy Ranay, Darnel Joy Villafor (Love Lockdown)

· Antoinette Jadaone (Fan Girl)

· Joel Lamangan (Isa Pang Bahaghari)

· Yam Laranas (Nightshift)

· Irene Emma Villamor (On Vodka, Beers, and Regrets)

MOVIE ACTRESS OF THE YEAR

· Nora Aunor (Isa Pang Bahaghari)

· Iza Calzado (Tagpuan)

· Alessandra De Rossi (Watch List)

· Charlie Dizon (Fan Girl)

· Lovi Poe (Malaya)

· Cristine Reyes (Untrue)

· Sylvia Sanchez (Coming Home)

MOVIE ACTOR OF THE YEAR

· John Arcilla (Suarez, The Healing Priest)

· Paulo Avelino (Fan Girl)

· Enchong Dee (Alter Me)

· Nanding Josef (Lahi, Hayop)

· Xian Lim (Untrue)

· Phillip Salvador (Isa Pang Bahaghari)

· Alfred Vargas (Tagpuan)