isabella Si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez habang pinangungunahan ang launching ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa Isabela Sports Complex. Kuha ni VER NOVENO

Kahit long weekend trabaho pa rin ang inatupag ni Speaker Romualdez

211 Views

KAHIT long weekend ay trabaho pa rin ang inatupag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at namahagi ng P500 milyong ayuda sa mga taga-Isabela sa ilalim ng Bagong Pilipinas Serbisyo Dair (BPSF) ni Pangulong Marcos.

Kasama ni Speaker Romualdez si Deputy Speaker Tonypet Albano na representante ng Isabela at iba pang lokal na mga opisyal ng lalawigan.

“Batid po namin na hindi madali sa inyo na humingi ng tulong sa pamahalaan sa Maynila, kaya kami na po ang nagpunta dito,” ani Speaker Romualdez sa mga tao.

Bukod sa Cash Assistance at Rice Distribution (CARD), sa pagtutulungan ng Kongreso at Department of Social Welfare and Development (DSWD), namahagi din ng mga TESDA at CHED scholarship si Romualdez.

Paniguro pa ng lider ng Kongreso, “Hindi po ito ang huli kundi marami pang ayuda ang ibibigay ng inyong pamahalaan dahil hindi po kayo nakakalimutan”.

Matapos ang pagbigay ng ayuda sa Isabela, ay balik Maynila si Speaker Romualdez para personal na magpaabot naman ng pasasalamat sa lahat ng dumalo sa Asia-Pacific Parliamentarian forum (APPF) na ginanap sa PICC.

Labing-siyam na bansa mula sa Asya at Pacific Region ang nagpadala ng kanilang mga senador at members of parliament o mga mambabatas.

“There are contentious issues that require our collective resolution. For as long as we are committed in the spirit of respect, dialogue and cooperation…there is always hope,” ani ng Speaker.

Matapos ang kanyang talumpati, nabalitaan ni Speaker Romualdez ang pagpapalaya sa isang kababayan natin na binihag ng Hamas na si Jimmy Pacheco.

“We in Congress would like to thank President Marcos sa kanyang concern at paghahanap ng paraan sa pamamagitan ng ating DFA para mapalaya agad ang mga Pilipinong bihag ng Hamas”, ayon kay Speaker Romualdez.

Pinasalamatan din ng pinuno ng Philippine Congress ang bansang Qatar na naging daan sa pagpapalaya ng 50 bihag ng Hamas.