Kathden

Kaibigan, pamilya ni Kathryn boto kay Alden

Eugene Asis Apr 16, 2024
131 Views

HINDI maikakaila na boto kay Alden Richards ang pamilya at mga kaibigan ng Kapamilya star na si Kathryn Bernardo. Although wala pang isang taon ang hiwalayan nila ng dati nitong nobyo (of 11 years) na si Daniel Padilla, mukhang madaling nakapag-move on ang actress, celebrity endorser at successful entrepreneur dahil bukod sa kanyang pagiging busy sa kanyang trabaho, she is surrounded with love and support hindi lamang ng kanyang famiy kundi maging ng kanyang malalapit na kaibigan at kasunod pa nito ang hindi inaasahang pagdating sa kanyang buhay ng Kapuso prized actor na naging leading man niya sa 2019 mega hit movie na “Hello, Love, Goodye” bago ang pandemic.

First birthday celebration ni Kathryn on her 28th birthday na wala na sila ni Daniel and she considered it her happiest birthday ever.

May lumalabas ding balita na nanliligaw din umano kay Kathryn ang hiwalay sa asawa at kapwa niya Kapamilya actor na si Jericho Rosales pero siyempre, mas pabor kay Alden ang pamilya ng dalaga dahil bukod sa binata ito, stable na ang katayuan nito sa buhay hindi lamang bilang singer-actor at celebrity endorser kundi bilang isang successful entrepreneur at producer. Pinasok na rin nito ang pagdidirek ng pelikula sa pamamagitan ng “Out of Order” na tambalan nila ni Heaven Peralejo na jointly produced ng kanyang sariling kumpanya, ang Myriad Entertainment at Viva Films.

Ang sariling production outfit ni Alden ay hindi lamang pelikula ang pinu-produce kanyang sinimulan sa hit movie nila ni Julia Montes, ang “Five Break-ups and a Romance” na sinulat at dinirek ni Irene Villamor. He also produces major shows and events.

If Kathryn is a good catch para sa mga kalalakihan, hindi naman magpapahuli si Alden para sa mga babae.

Kathryn and Alden are a good or perfect match kung silang dalawa ang magkakatuluyan sa totoong buhay. Ang maganda pa, they’re both of age na pasukin ang next level ng kanilang magiging relasyon.

Samantala, in the offing na umano ang balik-tambalan sa pelikula ng dalawa bilang follow-up sa kanilang record-breaking movie na “Hello, Love, Goodbye” na pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Sampana na siya rin umanong magdidirek ng balik-tambalan nina Kathryn at Alden na malamang I-co-produce ng Star Cinema, APT Entertainment at ng sariling outfit ni Alden. Hindi naman kaya maisipan ni Kathryn na magtayo na rin ng sarili niyang production since she’s also a successful entrepreneur at may sarili na rin itong studio na regalo sa kanya ng kanyang Mommy Min Bernardo? Dito umano ginaganap ang mga vlog shots ni Kathryn including her pictorials, meetings at iba pa niyang ganap.

Kung maraming magagandang proyekto ang naka-line-up for Kathryn ang ABS-CBN, gayundin si Alden hindi lamang ng kanyang home studio, ang GMA kundi maging sa sarili niyang produksyon.

Masayang collab at labu-labo sa telebisyon

BUKOD sa top-rating and long-running noontime show na “It’s Showtime” na nagkaroon ng makasaysayang airing on GMA last April 6, 2024, meron pa umanong tatlong major shows ang Kapamilya Channel na magi-air sa Kapuso network. Kasama kaya rito ang bagong season ng reality talent show na “Pinoy Big Brother”?

Dahil sa pagkawala ng prangkisa ng dating number TV network na ABS-CBN, ang imposibleng mangyaring alyansa noon ng dalawang rival giant TV networks ay naging posible na ngayon.

Bukod sa pareho-parehong masaya ang top management ng GMA at ABS-CBN, gayundin ang mga stars and talents ng dating magkalabang TV networks laluna ang mga manonood na siyang nakikinabang sa bagong development na ito on Philippine television.

Magmula nang mapanood ang “It’s Showtime” on GMA na dating okupado ng “Eat Bulaga,” consistent ang pangunguna sa ratings ng programa.

Gaano rin kaya katotoo ang nakarating sa aming balita na co-produced na umano ng GMA at ABS-CBN ang “It’s Showtime” kaya napaka-visible na rin sa programa ang mga stars and talents ng Kapuso network? If this is true, win-win solution ito para sa dalawang major TV networks.

Samantala, habang hindi maipapalabas ang ibang mga programa ng Kapamilya Channel sa GMA, patuloy pa ring naghahanap ng ibang option ang ABS-CBN na mapanood ang kanilang mga programa on a wider scale. May lumulutang ding balita na malapit na rin umanong mapanood ang ibang programa ng Kapamilya channel sa Advanced Media Broadcasting Systems (AMBS) na ALLTV na pag-aari ng bilyonaryong businessman at dating politician na si Manny Villar na siyang nakakuha ng prangkisa na dating pag-aari ng Kapamilya network.

Kahit nakuha ng pamilya Villar ang prime broadcast network ng ABS-CBN, hindi naman ito maka-take-off sa kanilang mga sinimulang programa kaya ang TV game show host at producer na si Willie Revillame ay kumalas na rin at napapabalitang babalik ng TV5 for his “Wowowin” daily game show na huling napanood sa GMA.

Kung magkakaroon ng alyansa sa pagitan ng ABS-CBN at AMBS, magkakatulungan ang dalawang TV networks dahil expert ang Kapamilya Network hindi lamang in providing prime contents kundi maging sa kanilang existing infrastructures nationwide maging sa marketing ng kanilang mga programa.

Mas marami pang movements na dapat abangan ang mga manonood.

Ang administrasyong Duterte ang nagpasara sa prangkisa ng ABS-CBN. Since iba na ang administrasyon, posible kayang maibalik sa mga Lopezes ang prangkisa ng Kapamilya Network?

Sa anumang pangyayari at nangyayari ngayon, nothing is impossible laluna’t malapit na ang mid-term election sa susunod na taon.

Hilda posibleng magbalik-bayan

POSIBLENG magbalik-bayan ang mahusay at award-winning US-based actress na si Hilda Koronel para makagawa ng mga proyekto hindi lamang sa telebisyon kundi maging sa pelikula.

At 67, napakaganda pa rin ni Hilda na siyang recipient ng kauna-unahang Lifetime Achievement Award ng 1st Manila International Film Festival na ginanap sa Director’s Guild of America Theater, Hollywood, California, USA nung February 3, 2024.

Bukas umano ang aktres sa posibilidad na magbalik-showbiz dahil meron siyang natanggap ng iba’t ibang offers na kanyang pinag-aaralan ngayon.

Ang dating contract star ng Lea Productions ay agad nanalong Best Supporting Actress sa FAMAS when she was 13 para sa kanyang unang pelikula na “Santiago”.

The actress is known for her remarkable performance sa mga classic movies tulad ng “Tinimbang Ka Ngunit Kulang” (1974), “Maynila: Sa Kuko ng Liwanag” (1975), “Insiang” (1976), “Kung Mangarap Ka’t Magising (1977) at marami pang iba.

Tulad ng maraming actor, naging (Lino) Brocka baby si Hilda na siya ring nagdirek noon ng kanyang sariling weekly TV drama anthology na “Hilda”. Naging bahagi rin siya ng ilang serye tulad ng “Esperanza,” “Mula sa Puso,” “Sa Sandaling Kailangan Mo Ako,” “Munting Paraiso,” “Sa Dulo ng Walang Hanggan,” “Kung Mawawala Ka” at “Ikaw ang Lahat sa Akin”. Bumalik din siya ng Pilipinas nung 2012 para lamang gawin ang pelikulang “The Mistress” ng Star Cinema na pinagbidahan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Unknown to any, si Hilda ang unang asawa ng yumaong mahusay na actor na si Jay Ilagan at kung hindi kami nagkakamali ay nagkaroon ng tatlong anak na babae ang dating mag-asawa. Nang magkahiwalay noon sina Jay at Hilda, naging partner ng actor ang isa pang award-winning actress na si Amy Austria pero hindi sila nagkaroon ng sariling anak. May isa ring anak na babae si Hilda sa businessman na si Bambi del Castillo na si Isabel, girl din ang anak niya sa dating advertising executive na si Spanky Monserrat at ang kanyang kaisa-isang anak na lalake na si Diego ay anak naman niya kay Dr. Victor Lopez. Hindi naman siya nagkaroon ng anak sa kanyang huling naging mister, ang US-based Fil-Am businessman na si Ralph Moore, Jr. na sumakabilang-buhay nung isang taon.

Kung babalik ng bansa si Hilda, tiyak na pag-aagawan ito ng iba’t ibang TV networks and film producers.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my Youtube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.