Martin1

Kaligtasan ng apat na Pinoy seafarers panawagan ni Speaker Romualdez

Mar Rodriguez Apr 16, 2024
129 Views

NANAWAGAN si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mapayapang resolusyon sa insidente ng pang-aagaw ng Iranian authorities sa isang Portuguese-flagged container ship, lulan ang apat na Pilipino seafarers.

Iginiit ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na matiyak ang kaligtasan ng apat na Pilipinong manlalayag na sakay ng MSC Aries na inaagaw ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) ng Iran noong Sabado ng umaga sa Strait of Hormuz.

“In times of crisis, our foremost concern is the safety and security of our Filipino seafarers. We call for a peaceful resolution to swiftly resolve this distressing situation and ensure their prompt return home,” ani Speaker Romualdez.

Kumpiyansa naman si Speaker Romualdez na gumagawa ng hakbang ang Department of Migrant Workers (DMW), alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tulungan ang pamilya ng mga tripulanteng Pinoy.

Aniya, sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na rin ang DMW sa Department of Foreign Affairs, ship manager, operator at manning agency para makalaya ang mga Pilipinong manlalayag.

“The seizure of the MSC Aries deeply troubles us because it poses a potential threat to the safety of our Filipino seafarers. Ensuring their safety and well-being is the government’s utmost priority,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Sinabi pa ni Speaker Romualdez na mahalaga ang kooperasyon at kagyat na pagkilos para sa mapayapang pagresolba sa sitwasyon.

“Now more than ever, global cooperation is essential to navigate through this challenging situation,” giit pa ni Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.

“We must work together towards a peaceful resolution to ensure the safety and well-being of all involved parties,” ayon pa sa mambabatas.

Ayon sa ulat ng IRNA News Agency, sapilitang kinuha ng IRG Special Naval Force ang MSC Aries malapit sa Strait of Hormuz, dahil sa umano’y kaugnay nito sa Israel.

Kinumpirma rin ng operator ng barko ang ginawang pagkuha sa cargo ship at nakikipag-ugnayan umano ito sa mga otoridad upang maayos na mabawi ang barko at matiyak ang kaligtasan ng 25 crew member nito, kasama na ang apat na Pilipino.