Calendar
KALINISAN program ng MMDA, DILG ikinagalak ng House Committee on Metro Manila Development
๐๐๐๐๐ก๐ c๐ต๐ฎ๐ถ๐ฟ๐บ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ฒ๐ฒ ๐ผ๐ป ๐ ๐ฒ๐๐ฟ๐ผ ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐, i๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ ๐ป๐ถ ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ฅ๐ผ๐น๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ “๐๐ฅ๐ฉ” ๐ . ๐ฉ๐ฎ๐น๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐ถ๐น๐๐ป๐๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ฎ ๐ถ๐ป๐ถ๐๐๐ฎ๐๐ถ๐ฏ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ ๐ฒ๐๐ฟ๐ผ๐ฝ๐ผ๐น๐ถ๐๐ฎ๐ป ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐๐๐๐ต๐ผ๐ฟ๐ถ๐๐ (๐ ๐ ๐๐) ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถi๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ถ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐๐ด๐ฎ๐ฟ ๐๐ฎ ๐ ๐ฒ๐๐ฟ๐ผ ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ.
Nauna rito, isinagawa ng MMDA at Department of Interior and Local Government (DILG) ang kanilang inisyatiba upang mapanatiling malinis ang ilang lugar sa Kalakhang Maynila sa pamamagitan ng programa nitong Kalinga At Inisyatiba Para sa Malinis na Bayan (KALINISAN).
Sinabi ni Valeriano na maganda at kapuri-puri ang inilunsad na proyekto ng MMDA at DILG sapagkat ang pangunahing layunin nito ay ang pagpapanatili ng kalinisan sa Metro Manila lalo na sa mga lugar na talamak ang mga naglipanang basura.
Paliwanag ni Valeriano, ang mga hindi nakokolektang basura at nakatambak lamang sa mga ilog at estero ang isa sa mga dahilan kung bakit naging malala ang pagbaha sa Metro Manila noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Carina lalo na sa mga pangunahing lugar sa National Capitol Region (NCR).
Umaasa din ang kongresista na hindi lamang ang MMDA at DILG ang kikilos para mapanatiling malinis ang Kalakhang Maynila. Bagkos, kailangan din aniya ang partisipasyon at pakikiisa ng bawat mamamayan at komunidad.
Pagdidiin ni Valeriano, masasayang lamang aniya ang pagsisikap ng dalawang ahensiya kung pagkatapos nilang linisin ang ilang lugar sa Metro Manila ay muli na namang magkakalat ang mga pasaway na mamamayan gaya ng pagtatapon ng kanilang basura kung saan-saan.
Ayon pa kay Valeriano, napakalaking perwisyo ang idinudulot ng mga nagkalat na basura sa mga ilog at estero dahil maraming sakit ang maaaring makuha mula dito. Kasama na dito ang pagdagsa ng mga daga sa mga basurang nakatambak.