Saksak

Kalive-in tinarakan, suspek nagbigti

10 Views

DEDO ang isang babae matapos pagsasaksakin ng ka live- in na umano’y nagpakamatay rin matapos ang mainitang pagtalo ng dalawa sa loob ng bahay sa Purok 6A, Brgy. San Jose, Lipa City, Batangas, Sabado ng gabi.

Ang biktima ay kinilala ng mga pulis Lipa na si alias Criz, 29, company operator, at ang suspek na umano’y ka -live-in ng biktima ay kinilalang si alyas Joe, 35, construction worker, kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon, ang suspek at ang live-in partner (biktima) ay nasa loob ng kanilang kwarto at sa nang sila ay magtalo sa di malamang dahilan bandang 8 p.m. ika-22 ng Pebrero.

Ayon sa mga pulis, ilang beses na pinaniniwalaang pinagsasaksak ng suspek ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pagkatapos nito, pinaniniwalaang pinagsasaksak ng suspek ang sarili at nagbigti pa gamit ang nylon cord na itinali sa iron grill ng kama.

Ang mga biktima ay dinala ng Lipa City Rescue Team na maagap na nagresponde sa Ospital ng Lipa para sa medikal na atensyon ngunit parehong idineklara na dead on arrival (DOA) nina Dra. Donna Requerque at Dra. Michelle Joy Columbres.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang kutsilyong may bahid ng mga dugo at asul na nylon cord.