Kalsadang mag-uugnay sa Tarlac at Nueva Ecija patapos na– DPWH

197 Views

MALAPIT ng matapos ang P11.8 bilyong Central Luzon Link Expressway (CLLEX), ang kalsadang mag-uugnay sa Tarlac at Nueva Ecija.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang CLLEX ay 96 porsyento ng tapos.

Ang unang 18 kilometro ng proyekto ay binuksan sa mga motorista noong Hulyo 2021. Ito ay mula Tarlac Interchange na karugtong ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) sa Balingcanaway, Tarlac City hanggang Guimba-Aliaga Road sa Aliaga, Nueva Ecija.

Malaki umano ang maitutulong ng bagong expressway upang mapabilis ang biyahe ng mga produktong agrikultural mula sa norte.

Kapag naging fully operational ang CLLEX, ang 7- minutong biyahe mula Tarlac City hanggang Cabanatuan City ay magiging 20 minuto na lamang.

Ang CLLEX ay bahagi ng Luzon Spine Expressway Network na mula Ilocos hanggang Bicol.