Calendar
Kamara hindi matitinag sa paninira —Rep Fernandez
Tuloy lang sa trabaho para mapabuti ang buhay ng mga Pilipino
SINIGURO ni Santa Rosa City Lone District Rep. Dan S. Fernandez sa publiko na magtutuloy-tuloy ang Kamara de Representantes, na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagtatrabaho sa kabila ng mga paninira rito matapos na ilipat ang confidential funds ng mga civilian agency.
Bilang tugon sa direktiba ni Speaker Romualdez, sinabi ni Fernandez na nagsasagawa ng mga briefing at pagdinig ang mga komite ng Kamara kahit na naka-break ang sesyon ng Kongreso upang makalikha ng mga panukala na makatutulong sa mga Pilipino at bilang suporta sa mga programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
“The House of Representatives is resolute in its determination to serve the Filipino people. We will not be deterred by distractions or intimidation. We recognize our responsibility to the nation, and we will continue to work diligently, regardless of the circumstances,” sabi ni Fernandez.
Iginiit ni Fernandez, chairman ng House Committee on Public Order and Safety ang kahalagahan na ituon ng Kamara ang atensyon nito sa legislative agenda nito at hindi magpa-apekto sa paninira.
“Our commitment to the people is unwavering. We are here to serve, and our duty to the nation remains paramount. We will not allow political noise to divert our attention from the work that needs to be done,” sabi ni Fernandez.
Nag-adjourn ang sesyon ng Kongreso noong Setyembre 28 at magbabalik sa Nobyembre 6. Kahit na nakabakasyon, pinayagan ng liderato ni Speaker Romualdez ang mga komite na magsagawa ng mga pagdinig upang mapabilis ang pagpasa ng mga panukala na makatutulong sa mga Pilipino.
Noong Biyernes, si Fernandez kasama ang ilan pang kongresista ang pumunta sa Cavite upang saksihan ang ginawang pagsira ng Philippine Drug Enforcement Agency sa tinatayang P6 bilyong halaga ng iligal na droga na nakumpiska sa magkakahiwalay na operasyon.
Nangako si Fernandez at kanyang mga kasama ang pangako na pagsisilbihan ang publiko at isusulong ang legislative agenda ng Kamara ng hindi nagpapa-apekto sa paninira at pananakot.
Ayon kay Fernandez ang isyu ng confidential funds, bagamat mahalaga ito ay hindi makakaapekto sa kanilang pangako sa bansa at sa mga Pilipino.
Kamakailan ay inatake ang Kamara matapos nitong ilipat ang P1.23 bilyong confidential fund ng mga civilian agency sa mga ahensya ng gobyerno na ang mandato ay ang pagbibigay ng seguridad sa bansa sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea.
Ang pinakamatinding kritisismo ay nagmula kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang ginawa habang ipinagtatanggol ang P650 milyong confidential fund ng Office of the Vice President at Department of Education na kapwa pinamumunuan ang kanyang anak na si Vice President Sara Duterte.
Ginawa ng dating Pangulo ang paninira sa kabila ng sinabi ni VP Sara na kaya ng kanyang tanggapan na magawa ang mandato nito kahit walang confidential fund.
Nauna rito ay umani ng kritisismo si VP Sara matapos nitong ubusin ang P125 milyong confidential fund nito sa huling 11 araw ng 2022 o P11.36 milyon kada araw.
Bukod sa OVP at Deped, inilipat rin ng Kamara ang confidential fund ng Department of Information and Communications Technology, Department of Foreign Affairs, at Department of Agriculture, na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Iginiit ni Fernandez ang kahalagahan na ilipat ng Kamara ang P1.23 bilyong confidential fund upang mapondohan ang pangangailangan ng mga ahensya na nagbibigay ng seguridad sa bansa.
“This step underscores our unwavering commitment to reinforcing the programs of the Marcos administration for the improvement of the lives of Filipinos,” sabi ni Fernandez.
Sinabi ng kongresista mula sa Laguna na nananatili ang pangako ng Kamara na gumawa ng mga hakbang upang mapaganda ang kalagayan ng mga Pilipino.
“Our intent is to ensure that these funds contribute effectively to the well-being of our citizens and the advancement of the nation’s interests,” sabi ni Fernandez.
“This action showcases the proactive role of Congress in supporting the administration’s initiatives, particularly in areas crucial to the safety and welfare of the Filipino people. Reprioritizing these funds is a clear demonstration of our commitment to creating positive impact and addressing the nation’s most pressing needs,” dagdag pa nito. (END)