Sandro

Kamara itinayo bagong komite para sa nuclear energy

182 Views

NAGTAYO ng bagong komite ang Kamara de Representantes upang tutukan ang mga panukala at resolusyon kaugnay ng paggamit ng nuclear energy.

Sa sesyon ngayong Martes, nag-mosyon si House Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos kaugnay ng pagtatayo ng special committee on nuclear energy na magkakaroon ng 25 miyembro.

Ayon kay Marcos babawasan ang jurisdiction ng House Committee on Energy at aalisin na rito ang pagtalakay sa isyu ng nuclear energy.

Si Pangasinan Rep. Mark Cojuangco ang inihalal na chairman ng komite.

Matagal ng itinutulak ni Cojuangco ang paggamit ng nuclear energy sa bansa upang mapababa ang presyo ng kuryente at mapalaki ang suplay nito.