Calendar
Kamara magtatrabaho kahit recess
UPANG masiguro na agad maipapasa ang mga kinakailangang panukala, pinayagan ng liderato ng Kamara de Representantes sa pangunguna ni Speaker Martin G. Romualdez ang mga komite nito na magsagawa ng pagdinig kahit na naka-break ang sesyon.
Sa huling araw ng sesyon ay naghain ng mosyon si House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin ng mosyon upang bigyan ng otorisasyon ang mga komite na magdaos ng pagpupulong at pagdinig mula Setyembre 29 hanggang Nobyembre 6, 2022.
Walang tumutol sa mosyon kaya inaprubahan ito ni House Deputy Speaker and Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales.
Sinabi ni Garin na pinayagan nina Speaker Romualdez at House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” Dalipe ang pagsasagaw ang mga committee meeting kahit na walang sesyon upang mapabilis ang pagpasa n mga kinakailangang batas ng administrasyon para mapabuti ang kalagayan ng bansa.
“The Speaker wants to ensure a very productive House of Representatives during our break to address the country’s pressing concerns. This will help us craft and put into fruition the approval of priority bills of President Marcos to help us defeat various problems, including COVID-19,” sabi ni Garin.
Pagtutuunan umano ng pansin ng Kamara ang agarang pagpasa ng mga panukala na binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kailangan para matugunan ang pangangailangan ng sambayanang Pilipino.