Cagas

Kamara may kapangyarihan na maglipat ng pondo kasama ang CIF—Rep. Cagas

Mar Rodriguez Oct 19, 2023
150 Views

NASA kapangyarihan umano ng Kamara de Representantes ang paglilipat ng alokasyon sa ilalim ng panukalang budget at kasama rito ang confidential and intelligence funds (CIF) ng iba’t ibang ahensya, ayon kay Davao del Sur Lone District Rep. John Tracy Cagas.

“There’s no question about it. The Congress, particularly the House, where the national budget bill originates, possesses that power. It is granted by the Constitution,” ani Cagas.

“The limitation to that power is that the Congress, to use the language of the Constitution, ‘may not increase the appropriations recommended by the President for the operation of the government as specified in the budget’,” sabi pa nito.

Ayon kay Cagas ang Kamara at Senado ay binigyan ng kapangyarihan sa ilalim ng Konstitusyon na baguhin ang alokasyon ng mga pondo sa ilalim ng panukalang budget upang ito ay maging angkop sa pangangailangan ng bansa.

“I am sure that we stand on solid constitutional ground in making adjustments in the budget. We are ready to face any challenge in the proper forum,” saad pa ng mambabatas.

Nagdesisyon ang Kamara ang confidential funds ng mga civilian offices gaya ng Department of Agriculture, Department of Foreign Affairs, Office of the Vice President, at Department of Education at inilipat ito sa mga security agency na ang pangunahing mandato ay magbigay ng seguridad sa bansa sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Bahagi rin ng pondo ay inilaan sa Pag-asa Island na nasa WPS upang malinang ang lugar na bahagi ng probinsya ng Palawan.

Ang desisyon ng Kamara na i-realign ang confidential fund ay hindi lamang umano paggamit nito ng kapangyarihan sa ilalim ng Konstitusyon kundi pagtugon din sa mga hiling ng mga ahensya na dagdagan ang kanilang pondo upang mabantayan ang interes, seguridad, soberanya at mapangalagaan ang teritoryo ng bansa, ayon kay Cagas.

Ipinunto rin ni Cagas na ang mga ahensya, gaya ng OVP ay wala naman talagang confidential funds sa mga nagdaang panahon dahil hindi kabilang sa pangunahing mandato nito ang pagbibigay ng seguridad sa bansa.