Kamara nakalikom ng P35M pangakong tulong para sa mga biktima ng bagyong Paeng

186 Views

SUNOD-SUNOD ang mga pagpupulong na isinasagawa ng Office of the Speaker sa mga opisyal ng gobyerno upang agad na makapagparating ng tulong sa mga biktima ng bagyong Paeng.

Hanggang alas-12:45 ng umaga ng Linggo, Oktobre 30, ay nakalikom na ng P35 milyong halaga ng pangakong donasyon ang tanggapan ni Speaker Martin G. Romualdez mula sa mga miyembro ng Kamara de Representantes sa pangunguna ni Ako Bicol Rep. Zaldy Co, chairperson ng House Committee on Appropriations.

“During the darkest hours, the House of the People in coordination and partnership with the Marcos administration is always here to assist and help Filipinos in their time of need. We will support all the national government initiatives in pursuing relief and recovery efforts in areas affected by typhoon Paeng,” sabi ni Romualdez.

Bukod pa rito ay mayroon ding nangako kay Romualdez na magpapahatid ng tulong mula sa pribadong sektor.

Sa iba pa na nais na magbigay ng tulong, maaari umanong makipag-ugnayan sa numerong 09171064969.

Nakikipag-ugnayan si Romualdez sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Office of the Civil Defense (OCD), Department of National Defense (DND), Departments of Health (DoH), Education (DepEd), Interior and Local Government (DILG), Public Works and Highways (DPWH), Trade and Industry (DTI), Energy (DoE), Transportation (DoTR), Information and Communications Technology (DICT) at iba pang ahensya upang makakuha ng mas malinaw na mas malinaw na larawan ng iniwang pinsala ng bagyo.

Hanggang alas-10 ng umaga ng Linggo, Oktobre 30, ay nakapagpadala ng financial at food assistance sinaRomualdez at ang kanyang may-bahay na si Tingog party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez, chairperson ng House Committee on Accounts sa mga lugar nina Representatives Emmanuel Billones (Capiz, 1st District), Jane T. Castro (Capiz, 2nd District), Carlito S. Marquez (Aklan, 1st District), Teodorico “Ted” Haresco Jr. (Aklan, 2nd District), Ferjenel G. Biron (Iloilo, 4th District), Gerardo Valmayor Jr. (Negros Occidental, 1st District), Antonio Legarda Jr. (Antique, Lone District), Mohamad P. Paglas (Maguindanao, 2nd District), Bai Dimple I. Mastura (Maguindanao and Cotabato City, 1st District), David “Jay-jay” C. Suarez (Quezon, 2nd District), former Speaker Lord Allan Velasco (Marinduque, Lone District), House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe (Zamboanga City, 2nd District), Mercedes K. Alvarez (Negros Occidental, 6th District), Maria Theresa V. Collantes (Batangas,

3rd District), Sittie Aminah Q. Dimaporo (Lanao del Norte, 2nd District), Cavite Rep. Lani Mercado Revilla (Cavite, 2nd District), and Ramon Jolo B. Revilla III (Cavite, 1st District), Marlyn “Len” B. Alonte (Biñan City, Lone District), and Governors Fredenil “Fred” H. Castro of Capiz at Florencio “Joeben” T. Miraflores ng Aklan.

Sa tulong ni Social Welfare and Development Sec. Erwin Tulfo, sinabi ni Romualdez na ipatutupad ang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program sa mga nasalantang lugar.

Sinabi rin ni Romualdez na inihahanda na ni Tingog party-list Rep. Jude Acidre ang isang relief mission sa Cotabato, Eastern Visayas, at iba pang lugar na nasalanata ng bagyo.