BBM2

Kamara suportado pagtatakda ang price ceiling sa bigas

Mar Rodriguez Sep 1, 2023
160 Views

SUPORTADO ng mga miyembro ng Kamara de Representantes ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpatupad ng price ceiling sa presyo ng bigas.

“We, in the House of Representatives, stand firmly behind President Ferdinand R. Marcos Jr.’s decisive action to ensure every Filipino’s access to affordable rice,” saad sa pahayag na inilabas ng tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Sinabi rin ng mga mambabatas sa pahayag na ang pagtatakda ang price ceiling ay napapanahon at dapat na sabayan ng iba pang hakbang upang maprotektahan ang publiko sa hindi makatwirang pagtataas ng presyo ng bigas.

“We deeply understand and empathize with the plight of our people, especially the underprivileged and marginalized who are most affected by the surge in rice prices,” sabi pa sa pahayag.

Pinuri rin ng Kamara ang mga hakbang ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Customs (BOC) upang matugunan ang mga natukoy na dahilan ng pagtaas ng presyo ng pangunahing pagkain ng mga Pilipino.

Nangako naman ang mga mambabatas na lalo pang paiigtingin ang pagsasagawa ang mga imbestigasyon sa mga alegasyon ng hoarding at price manipulation hindi lamang sa bigas kundi maging sa iba pang produktong agrikultural.

“We believe it is our duty to ensure a steady, stable, and affordable supply of these essential commodities for the Filipino people. The welfare of our constituents remains our top priority, and we pledge to exercise our mandate to safeguard their interests to the fullest,” sabi pa sa pahayag.

Sa pakikipagtulungan sa Ehekutibo, kumpiyansa ang Kamara na mapalalakas ang sistema at mekanismo upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga konsumer at matiyak na patas ang kompetisyon sa merkado, at maproteksyunan ang ekonomiya.

“Together, we remain committed to a vision of a Philippines where every family has access to affordable and nutritious food.”