Martin1

Kamara tutulungan mga nasalanta ng lindol sa Mindanao

Mar Rodriguez Dec 3, 2023
221 Views

NAKIISA ang Kamara de Representantes sa mga nasalanta ng malakas na lindol na yumanig sa Mindanao gabi ng Sabado.

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nakikipag-ugnayan ang Kamara sa mga ahensya ng pamahalaan upang agad na maibigay ang pangunahing pangangailangan ng mga biktima.

“With deep concern and solidarity, we stand with the people of Surigao del Sur in the aftermath of last night’s powerful earthquakes. These events have brought significant challenges, and our hearts go out to all those who have been affected,” ani Speaker Romualdez.

Sinabi ni Speaker Romualdez na tutulong ang Kamara upang maibsan ang paghihirap ng mga nasalanta.

“We are prepared to mobilize resources and pass urgent measures that can aid in the recovery and rebuilding efforts. The welfare and safety of our citizens are of utmost importance, and we will work tirelessly to address their needs during this critical time,” sabi pa nito.

Nanawagan din si Speaker Romualdez sa kanyang mga kasamahan at sa iba pang sektor ng lipunan na magsama-sama upang matulungan ang mga lubhang naapektuhan ng lindol.

“Together, we will overcome this challenge and rebuild stronger and more resilient communities,” dagdag pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang magnitude 7.4 lindol alas-10:37 ng gabi nitong Sabado.

Ang epicenter ng lindol ay 29 kilometro sa silangan ng bayan ng Hinatuan sa Surigao del Sur at may lalim na 26 kilometro.