Orientation Ang Orientation, Adoption and Implementation of Drug -Free Workplace campaign na isinagawa ng Batangas City. Kuha ni Jojo Cesar Magsombol

Kampanya para sa drug-free Batangas City gov’t workplace pinaigting

109 Views

ANG pamahalaang lungsod ng Batangas katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay nagsagawa kamakailan ng Orientation, Adoption and Implemetation of Drug -Free Workplace campaign.

Ito ay bahagi ng maigting na kampanya ng pamahalaang lungsod laban sa iligal na droga.

Layunin rin nito na mapanatiling, ligtas, productive at drug-free ang mga tanggapan ng lokal na pamahalaan at mabigyan ng higit na kaalaman ang mga opisyal at empleyado ukol sa mga panganib na maaaring idulot iligal na droga.

Dumalo sa nasabing orientation ang mga city department heads at ilang mga konsernadong empleyado.

Naging resource speakers ang mga opisyal ng PDEA.

Ilan sa mga tinalakay sa orientation ay ang drug situation sa lalawigan ng Batangas, understanding drugs and drug abuse, overview ng drug-free local government unit (LGU) at iba pa.

Ipinaalam rin dito ang proseso ng drug screening, confirmatory test, treatment sa pamamagitan ng Community Base Drug Rehabilitation Program (CBDRP) at community reintegration sa pamamagitan ng Yakap Bayan Program.

Napagkasunduan dito na magbubuo ang mga department heads ng polisiya para maipatupad at masigurong drug-free workplace ang pamahalaang lungsod ng Batangas.