Creamline Kampeon ulit ang Creamline. PVL photo

Kampeon ulit ang Creamline

Theodore Jurado Aug 15, 2022
391 Views

WINALIS ng Creamline ang Chinese-Taipei’s KingWhale, 25-21, 25-19, 25-8, upang angkinin ang kampeonato sa Premier Volleyball League Invitational Conference kagabi sa Mall of Asia Arena.

Tinuldukan ng Cool Smashers ang second set na may 15-3 run at hindi na pinaporma ang Taiwanese club sa pamamagitan ng dominanteng third upang angkinin ang ikalawang titulo sa season.

Ito ang ikalimang korona sa kabuuan ng Creamline – na siyang pinakamarami sa PVL.

Samantala, nalusutan ng Cignal ang PLDT, 17-25, 20-25, 27-25, 25-22, 15-5, upang makopo ang bronze medal.

Nasambot ni Tots Carlos ang kanyang ikalawang sunod na conference MVP award bukod sa Best Opposite Spiker plum.

Tumapos si Carlos na may match-high 14 points sa championship clincher habang si Finals MVP Ced Domingo ay may apat na blocks at dalawang service aces para sa 11-point effort.

Ang iba pang awardees ay sina Cool Smashers’ Alyssa Valdez at HD Spikers’ Ces Molina (Best Outside Spikers), High Speed Hitters’ Mika Reyes at Dell Palomata (Best Middle Blockers), KingWhale’s Liao Yi-Jen (Best Setter) at Qiu Shi-Qing (Best Libero).

Nag-ambag si Jema Galanza, na naipagpag ang finger injury, ng 13 points, habang bumato si setter Jia de Guzman ng 19 excellent sets at kumulekta ng siyam na digs para sa Cool Smashers.

Hindi inalintana ni Valdez ang left ankle injury na kanyang tinamo laban sa visitors Biyernes, kung saan tumipa siya ng siyam na puntots, kabilang ang dalawang aces, at 13 digs.

Nanguna si Brazilian Bea de Carvalho para sa KingWhakle na may 12 points, kabilang ang dalawang blocks, at siyam na digs habang si Chang Chih-Hsuan ng walong puntos, pitong digs at siyam na receptions..

Pumasok ang KingWhale sa gold medal match na may 4-0 semis record, subalit kinapos sa pinakamahalagang laban.