Karla Larawan mula sa IG/@karlaestrada1121

Karla aaksyunan na mga nagpapakalat ng fake news

163 Views

INALMAHAN ng TV host-actress na si Karla Estrada ang kumakalat na fake quote card sa social media patungkol sa hiwalayan ng kanyang anak na s Daniel Padilla at dati nitong nobyang si Kathryn Bernardo.

Ayon sa kumakalat na post, sinabi umano ni Karla na hindi manloloko ang kanyang anak.

“Hindi cheater ang anak ko! My son is not perfect, but he’s learning and growing. People make mistakes, and it’s crucial to understand the context and the effort he’s putting into becoming a better person,” mababasa mula sa pekeng quote card.

Sa Instagram page ni Karla nitong Sabado, Disyembre 2, pinabulaanan niya ang nasabing post patungkol sa kanya at kay Daniel.

“Fake po ito, wala akong ganitong post at hindi ako gumawa ng ganitong post,” sey ni Karla.

Aaksyunan na rin umano ng ‘Face to Face’ host ang mga netizens na nagpapakalat ng fake news laban sa kanila.

“Amin na pong iniisa-isa ang mga accounts ng mga mapanirang tao na gumagawa ng mga ganito,” saad pa niya.