Binoe napipisil para sa remake ng ’80s movie
Feb 24, 2025
Otoko papansin sa social media
Feb 24, 2025
Martial Law sa ilalim ni PBBM ‘fake news’
Feb 24, 2025
PBBM pinagdasal agarang paggaling ni Pope Francis
Feb 24, 2025
Calendar

Health & Wellness
Kaso ng COVID nadagdagan ng 17,891
Peoples Taliba Editor
Sep 27, 2022
261
Views
NADAGDAGAN ng 17,891 ang kaso ng COVID-19 sa bansa mula Setyembre 19 hanggang 25.
Ayon sa Department of Health (DOH), ito ay mas mataas ng 22 porsyento o 2,197 kaso kumpara sa mga naitala noong Setyembre 12 hanggang 18.
Nadagdagan naman ng 242 ang bilang ng mga nasawi sanhi ng COVID-19 sa bansa. May kabuuang bilang na itong 62,790. Sa bilang na 242, 34 ang nasawi ngayong Setyembre at ang iba ay hindi lang kaagad naiulat sa DOH.
Umakyat na sa kabuuang 73,017,553 ang bilang ng mga fully vaccinated na indibidwal sa bansa nadagdagan ng 119,850 mula Setyembre 19-25.
Nadagdagan naman ng 328,452 ang bilang ng mga nakapagpa-booster shot na at may kabuuang bilang na 19,211,908.