DOH

Kaso ng dengue lumobo—DOH

264 Views

LUMOBO ang bilang ng mga kaso ng dengue sa bansa ngayong taon.

Ayon sa Department of Health (DOH) nakapagtala ng 118,526 kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Agosto 6.

Ito ay mas mataas ng 153 porsyento kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong 2021.

Mula Hulyo 10 hanggang Agosto 6, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na 29,586 ang naitalang dengue cases. Sa bilang na ito 64 porsyento ang na-ospital.

Pinakamarami umano ang naitalang kaso sa Central Luzon (6,035) na sinundan ng National Capital Region (4,045) at Western Visayas (2,946).