Magsino

Kaso ng mga OFWs na may death penalty hiniling na imbestigahan

Mar Rodriguez Jan 18, 2023
282 Views

NABABAHALA ngayon ang Overseas Filipino Workers (OFW) Party List (OFW) sa Kamara de Representantes patungkol sa kaso ng mga OFWs na kasalukuyang nakasalang sa parusang kamatayan o nasentensiyahan ng “death penalty” sa ibayong dagat.

Bunsod nito, isinulong ni OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino ang House Resolution No. 684 na humihiling sa liderato ng Kongreso para magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa kaso ng mga OFWs sa abroad na nahaharap sa parusang kamatayan.

Ipinaliwanag ni Magsino na nais nilang magkaroon ng “Congressional inquiry” na pangungunahan ng House Committee on Foreign Affairs upang malaman ang status ng mga OFWs na nahatulan o ‘convicted” ng “capitol offense” at naghihintay na lamang execution sa death row.

Sinabi pa ni Magsino na kailangan magkaroon ng “assessment” at evaluation ang Kongreso para malaman kung anong tulong o assistance ang ibinibigay naman ng pamahalaan para sa mga convicted OFWs sa pamamagitan ng legal assistance para sa kanilang mga kaso.

Ayon sa kongresista, iniulat ng Department Foreign Affairs (DFA) na nito lamang buwan ng September, 2022. Anim-na-put limang (65) OFWs ang nakasalang ngayon sa death row dahil sa iba’t-ibang kasong kinaharap ng mga ito sa bansang pinagta-trabahuhan nila.

Binanggit ni Magsino na 48 mula sa 65 OFWs ang lalake. Habang ang karamihan sa mga akusado o covicted ay puro mga kababaihan. Kung saan, sinabi pa nito na ang kaso ng mga OFWs ay kasalukuyang hinahawakan ng mga abogado ng DFA.

Nabatid pa kay Magsino na kabilang sa mga Pilipino na kasalukuyang nakasalang sa “death row” ay ang kaso ng dalawang OFWs sa Estados Unidos (USA) na sina Sonny Enraca na nahatulan dahil sa isang fatal shooting sa isang actor noong 1991 at Ralph Simon Jeremias na sangkot din sa fatal shooting ng dalawang tao noong 2009.

Idinagdag pa ng mababatas na bukod dito, dalawa pang OFWs sa bansang Abu Dhabi ang sinentensiyahan ng death penalty dahil sa pag-iingat at pagbebenta bg illegal drugs noong January, 2022.

Dahil sa mga kasong ito, nais ni Magsino na magkaroon ng imbestigasyon ang Kamara de Representantes upang pag-aralan din kung papaanong makakatulong ang gobyerno sa kaso ng mga nasabing OFWs.