PRO3

Kaso ng pagpatay ng 3 kapitan sa Ecija lutas na

Steve A. Gosuico Aug 2, 2025
372 Views

CABANATUAN CITY–Ipinalalagay na lutas na ang mga kaso ng pagpatay sa tatlong kapitan dahil nahuli na ang mga suspek at ibang persons of interest kinasuhan na sa piskalya, ayon kay Nueva Ecija police chief Col. Heryl Bruno.

Tatlong kapitan ng barangay ang magkakasunod na pinatay matapos ang May 12 elections. Sila’y sina Cenon Pineda Jr. noong Hulyo 23 ng Guimba, Cesar Asuncion noong Hulyo 12 ng Laur at Joel Damacio noong Hunyo 9 ngTalavera.

Para sa seguridad ng mga punong barangay inatasan din ng hepe ng pulis ang kanyang mga hepe ng pulisya na gawaan sila ng threat assessment.
Kabilang dito ay ang pagbuo ng communication group o group chat sa internet ng mga punong barangay upang kung may problema o hinaing man ay agad maiparating sa otoridad sa bawat bayan.