Alden and Kathryn

KathDen malaki pasasalamat sa fans

Ian F Fariñas Oct 19, 2024
227 Views

OVERWHELMED ang KathDen (Kathryn Bernardo at Alden Richards) sa malaking suporta na ibinibigay ng ABS-CBN Star Cinema at GMA Pictures sa reunion film nilang “Hello, Love, Again,” na magkakaroon ng international release at midnight screenings sa ilang mga sinehan sa bansa ngayong November.

Sa katatapos na “Hello, Love, Again” mediacon, sinabi ni Alden na malaki ang pasasalamat nila, ’di lang sa KathDen fans, kundi maging sa producers at marketing arm ng pelikula.

“We’re very grateful because of the efforts, of course, of all the producers and also the marketing team behind this and parang we really owe this movie to the people who have helped us make this happen and also to all the fans po ng ‘Hello, Love, Goodbye,’ the movie before. And come to think of it, parang ang laki-laki ng mga nangyayari ngayon. We didn’t expect it to be like this. But more than that, we’re fulfilled and we’re very happy with what’s happening. And makikita ’to ng buong mundo at the same time na hindi malayo du’n sa screening date natin dito sa Philippines. So, thank you po, thank you so much for the support everyone. Salamat!” sey ng Kapuso actor.

For her part, sinabi naman ni Kathryn na, “Since day one we felt the support of, of course, my home network, ABS-CBN, and now with GMA Pictures. And nararamdaman ko lang siguro na kapag nagtulungan, you see, ito ‘yung nangyayari and ‘yung support na ‘yon, ang laking bagay sa amin nila Direk Cathy and ni Alden.”

Patuloy ng aktres, “Kasi, we need that, eh. ‘Yun ‘yung nagpu-fuel sa ‘min. And now that we are showing it not just here but also internationally, ang nakakatuwa, kasi story naman talaga nila ‘to and maybe it’s time for the world to see ‘yung mga gawang Pinoy. So, hopefully tanggapin nila. We’re very hopeful for that and yeah, may mga pupuntahan kaming ilang screenings para kami mismo ‘yung nandu’n kasama nila. So, we’re just hoping for the best.”

Nagbabalik nga ang KathDen bilang Joy at Ethan sa “Hello, Love, Again” na mapapanood na sa mga sinehan sa Pilipinas simula November 13.

Ito bale ang sequel ng phenomenal box-office hit na “Hello, Love, Goodbye” at pagpapatuloy ng kwento nina Joy at Ethan pagkalipas ng limang taon sa Canada kung saan tumungo si Joy mula sa Hong Kong para tuluyang tuparin ang mga pangarap sa buhay.

Mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana, nasa cast din sina Joross Gamboa, Valerie Concepcion, Jennica Garcia, Kevin Kreider, Jobert Austria, Mark Labella, Marvin Aritrangco, Ruby Rodriguez, atbp.

Gaya ng in-announce sa mediacon, nakatakda itong ipalabas sa US at Canada simula Nov. 15; Australia at New Zealand (Nov. 14); Guam at Saipan (Nov. 15); Singapore, Malaysia at Middle East (Nov. 28); Cambodia (Nov. 29) at Hong Kong.

Mula Nov. 13 naman ito magkakaroon ng midnight screenings sa 72 cinemas nationwide.

Bago ang commercial run, iikot ang KathDen sa iba’t ibang mall sa ’Pinas para sa “Hello Again Tour.” Nasa SM City Caloocan sila bukas, Oct. 20; KCC Mall sa Gen San at KCC Mall sa Koronadal, Oct. 27; SM City JMall (Mandaue), SM City Cebu at SM Seaside City Cebu, Nov. 9; at sa Market! Market!, Taguig, Nov. 10.

Gaganapin naman ang premiere night ng pelikula sa SM Megamall sa Nov. 12.

 

YsabelYsabel excited makasama si Migue

IKALAWANG taon na ni Ysabel Ortega bilang Beautederm baby pero ipinakilala siya bilang bahagi ng unang batch ng Belle Dolls by Beautederm endorsers kasama ang real-life boyfriend na si Miguel Tanfelix, Sofia Pablo at Shaira Diaz nitong nakaraang linggo.

Kwento ni Ysabel, napakasaya niya ngayon na kasama na niya si Miguel sa pamilya ng Beautederm exec na si Rei Anicoche-Tan dahil mai-experience na rin nito ang kasiyahang dati ay ikinukwento lang niya sa aktor.

Sey ni Ysabel, “I was very happy. Siyempre po excited ka malaman na makakasama na si Miguel sa Beautederm. Ako, sobra kong pinapahalagahan ang Beautederm family and, of course, si Mommy Rei. Alam ‘yan ni Miguel, palagi ko ‘yang ikinukwento sa kanya. ‘Yung mga events na pinupuntahan ko. I remember 14th anniversary po last year (ng Beautederm), last taping day po namin ng ‘Voltes V,’ kahit na nasa Cavite po kami, nagte-taping, bumiyahe pa po ako ng Pampanga para lang po maka-celebrate kasama ang Beautederm family ko.

“And bumalik pa po ako after, tinuloy ko ‘yung taping. Pero alam ni Miguel kung paano ko pinapahalagahan ang family na ito and kung gaano po ako ka-proud na gamitin ang products ng Beautederm.

So now na isa na rin si Miguel sa mga makakasama ko sa mga events na pupuntahan ko then, of course, it makes me more happy kasi mararanasan na rin ni Miguel at mararanasan na rin namin together ‘yung happiness sa Beautederm family, mga anak ni Mommy Rei,” dagdag pa ni Ysabel na itinangging package deal sila ng aktor.

Ayon kay Miss Rei, “When choosing an endorser, attitude matters. Ysabel, Miguel, Sofia and Shaira exude sincerity and grace. I admire their growth and I love their youthful energy. They know what they’re advocating for: A healthy lifestyle supported by healthy products. We should prioritize health and wellness, ensuring that we consume the right supplements, drinks and juices.”

Layuning makapagbigay ng mura, effective at FDA & Halal-approved drinks, juices at capsules, ang apat na produkto ng Belle Dolls ay ang Stemcell Juice Drink (Strawberry Lychee Iced Tea), Chocolate Drink (Dark Chocolate), Vitamin C Capsule, Pure Glutathione Capsule, Collagen Juice Drink (Kiwi, Avocado, Cucumber) at Healthy Coffee (Caramel Macchiato Original Blend).