Kathryn

Kathryn ka-tropa lang ang mayor ng Lucena

Vinia Vivar Feb 21, 2025
13 Views

Hindi na raw talaga nanliligaw si Alden Richards kay Kathryn Bernardo. Ito ang dahilan kaya tahimik na ang KathDen ngayon at wala nang nababalitaan na development tungkol sa kanilang relasyon.

Sa vlog ni Ogie Diaz, kinumpirma niya na hindi na nagpatuloy ang panunuyo ni Alden kay Kathryn.

“Ang alam ko, wala na talagang ligawan na nagpatuloy. Parang magkaibigan na lang sila,” sey ni Ogie.

Pero ayon daw sa kanyang source na close sa KathDen, gustong-gusto ni Alden si Kath. Pero hindi na niya alam kung bakit hindi na nagtuloy pa ang aktor sa panliligaw.

Tinanong ng co-host ni Ogie na si Mama Loi kung may kinalaman ito sa pagdalaw ni Daniel Padilla sa dressing room ni Kathryn last December sa Christmas Special ng ABS-CBN na ginanap sa Araneta Coliseum.

“It has nothing to do with that, ‘yung pagdalaw ni DJ,” sagot naman ni Ogie. “Kasi, ang alam ko din, sabi ng ka-close ni Kathryn, eh, parang kinausap lang daw ni Kathryn si DJ, pero walang hope na magkakabalikan.”

Dagdag pa ni Ogie, “’Yung spark (kina Kath at Daniel), wala na rin daw.”

Natanong din ni Mama Loi kung nanliligaw pa rin ba kay Kathryn ang mayor ng Lucena at basketbolistang si Mark Alcala.

“Ang alam ko, tropa lang or barkada lang ni Kathryn si Mayor Alcala. Sabi nu’ng isang ka-close ni Kathryn, hindi naman daw nanliligaw. Tropa-tropa lang sila nu’ng mayor ng Lucena,” sey ni Ogie.