Batangas

Kauna-unahang flyover sa Batangas binuksan na sa motorista

13 Views

BATANGAS City–Binuksan na sa mga motorista noong Miyerkules ang kauna-unahang flyover sa Batangas na magpapabilis ng biyahe mula sa Batangas port papuntang Batangas City proper at vice versa.

May habang 1.44 na kilometro ang Balagtas flyover.

Binigyang-diin ni Batangas 5th district Rep. Marvey Marino na ang nasabing proyekto bunga ng pagsisikap ng iba’t-ibang sektor mula sa national at local government.

Nagpasalamat siya sa lahat ng ahensya, tanggapan at kagawaran ng gobyerno na tumulong upang maisakatuparan ang proyekto.

Malaking tulong ang flyover hindi lamang upang maibsan ang trapiko kundi para mapabilis ang pagbyahe ng mga kalakal na magdudulot ng patuloy na pag-unlad ng lungsod.

Dumalo sa blessing at ribbon cutting sina DPWH Regional Director na kinatawan ni ARD Engr. Joel Limpengco, 2nd District Engr. Sonia Paglicauan at mga kawani ng DPWH Region IV-A at DPWH Batangas 2nd Engineering District.