KDLex

KDLex pinatunayan na sila ang ‘Hottest Musical Pair’

Ian F Fariñas Jun 20, 2024
30 Views

Mula pagpasok sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother hanggang sa kauna-unahang face-to-face sold-out concert, Add to Heart: KDLex in Concert, sa Music Museum, pinatunayan nina KD Estrada at Alexa Ilacad, a.k.a. KDLex, ang kakayahan gamit ang talent na nagpatunay kung bakit sila tinaguriang “Hottest Musical Pair.”

Hindi maitatanggi ang kanilang nakakakilig na pagtatanghal na nagpasaya sa kanilang fans, ang Sweethearts.

Sa Music Museum show, nagkaroon sila ng solo at duet performances kung saan naipakita ni KD ang husay sa paggigitara at ang galing sa pagkanta ni Alexa.

“The adrenaline rush that it gives, malaking boost ‘yun sa performance namin. Nakaka-hype talaga if you see them. It’s priceless when you get to see their reactions,” ani Alexa sa napansin na kaibahan ng concert nasabing concert kumpara sa kanilang mga unang performance online noong 2022.

Tampok din sa show ang guest singers tulad nina Bugoy Drilon at Yeng Constantino.

“Si Kuya Bugoy was an inspiration since I was 16 when I started singing. Nakikita ko ‘yung BuDaKhel, and ‘dun ako natuto mag-harmonize, mag-runs. In a way, I kind of adapted their singing style which is more of R&B and Pop. It’s a childhood dream of mine to work with one of them,” pahayag ni KD.

Bukod sa pagkanta, pagtatanghal at pag-arte, gumanap din ang tandem sa kauna-unahan nilang stage play bilang Julia at Tenyong sa Walang Aray sa PETA.

Ito ay isang modernong adaptation ng Walang Sugat, kung saan naging nominated si Alexa bilang female lead sa Gawad Buhay Awards.

Nabanggit ng dalawa na ang kanilang karanasan sa teatro ay nakatulong sa kanilang growth bilang mga artista.

“It helped me open up my voice. I had to learn how to sing from the chest and project my voice, so that the audience would hear me,” ani KD.

Sa tagumpay ng Add to Heart: KDLex in Concert at ng iba pang proyekto sa pag-arte, ipinakita ng KDLex na wala silang rason para huminto ngayon.

Nang tanungin tungkol sa future projects, sinabi ni KD na posibleng mag-release siya ng bagong music ngayong 2024.

“I’ll continue working on my music. Kahit anong mangyari sa career ko, it is something I will always go back to.” paniniyak ni KD.

Samantala, kinumpirma naman ni Alexa na ang music video ng kanyang hindi pa nailalabas na kanta na Kung Naging Tayo ay kasalukuyan nang ginagawa. Mas aktibo raw siya sa proseso nito.

Dagdag ng aktres, “Na-realize ko that I am a good creative until I realized sobra akong mag-conceptualize. For the music video, I told them that I want it to be devastating. I want people to relate and cry. I really have a vision.”