Binata Ayon kay Police Maj. Dave Garcia, ang kasong ito ay patuloy na iniimbestigahan habang hinihintay ang resulta ng awtopsiya.

Kelot, 17, nag-birthday, lumangoy sa Manila Bay, pumanaw

Jon-jon Reyes Oct 27, 2026
24 Views

NALUNOD ang 17-anyos na binata matapos maligo kasama ang mga kabarkada noong birthday niya noong Sabado sa Manila Bay malapit sa Block 15, Old Site, Brgy. 649, Port Area, Maynila.

Ang biktima, tubong Hermosa, Bataan, estudyante, at huling nanirahan sa 424, Block 1, Gasangan, Brgy. 649, Port Area, Maynila.

Ayon kay Police Maj. Dave Garcia, hepe ng MPD Homicide Section, bandang alas-3:26 ng hapon ng mangyari ang insidente

Kasama ng biktima ang pito niyang kaibigan nang lumangoy sa Manila Bay.

Ilang sandali ang lumipas, napansin ng kanyang mga kasama na nahihirapang gumalaw at lumangoy sa tubig ang biktima.

Humingi ng tulong ang mga kaibigan sa mga residente. Kasunod nito, rumesponde ang ambulansya ng MDRRMO sa pamumuno ni Krizzia Mae Fronde at dinala ang biktima sa ospital.

Natagpuan sa loob ng emergency room ang biktima at nakalagay sa cadaver bag sa ibabaw ng stretcher.

Napansin ang mga pasa sa kaliwang bahagi ng katawan ng biktima.

Idineklara ni Dr. Emelina Velasco na patay na ang biktima nang dumating sa ospital bandang alas-5:03 ng hapon.

Sinabi ng ama ng biktima na hindi marunong lumangoy ang kanyang anak.