Calendar
Source: File photo
Kelot binaril sa ulo matapos dumalo sa burol, pinagburulan
Dead on the spot ang 53-anyos na lalaki nang malapitang barilin sa ulo ng riding in tandem matapos dumalo sa burol ng kaanak sa Quezon City noong Sabado.
Sa naantalang report ng Novaliches Police Station (PS-4) ng Quezon City Police District (QCPD), alas- 10:45 ng gabi noong Sabado (December 20), nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktima sa Brgy. Gulod Novaliches Quezon City.
Bago ang insidente, dumalo umani ang biktima sa burol ng kanyang kaanak.
Pagdating sa bahay ay nagpasya muna tumambay sa labas ang biktima nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki na sakay ng Honda click motorcycle, nakasuot ng itim at puting helmet, black jacket at black pants at malapitang pinaputukan sa ulo ang una.
Sa pagsusuri ng SOCO team mula sa QCPDFU sa pangunguna ni P/CMS Frederico Manzano, nagtamo ng bala ng ‘di pa batid na kalibre ng baril sa ulo ang biktima na agaran nitong ikinasawi.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga salarin.

