Calendar
Kinilala ni Police Lieuteanant Col. Arwen Nacional ang naarestong suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Quiapo Manila, habang nakamasid si MPD Chief Arnold Abad. JONJON C. REYES
Kelot hinuli sa pagtinda ng shabu sa Quiapo
NATIMBOG ng mga operatiba ng MPD Barbosa Police Station ang isang 47-anyos na lalaki sa inilatag na buy-bust noong beyrenes ng madaling araw matapos na masamsam ang 10 gramo ng ipinagbabawal na gamot sa kahabaan ng Hidalgo Street corner Quezon Boulevard sa Bgy. 383, Quiapo, Manila.
Kinilala ni MPD Chief PBGen.Arnold E. Abad ang suspek na si alyas Yoy, kabilang sa listahan ng street level individuals (SLI), may asawa, walang trabaho at naninirahan sa Pasaje Del Carmen Street, Barangay 388 Zone 39, Quaipo.
Ayon sa report ni Police Lieutenant Colonel Arwen Nacional, hepe ng Barbosa Police Station14 ng MPD, bandang alas 12:40 ng hatinggabi nang magsagawa ng drug bust ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PLT Cleveland K. Mananghaya,chief ng SDET.
Sa isinagawang operasyon, si PCpl Arnaiz Orongan ang nagsilbing poseur buyer at nakabili ng hinihinalang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu mula sa suspek, gamit ang dalawang pirasong marked P100 bill.
Dito na dinamba at nakuha mula sa suspek ang tatlong karagdagang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P68,000.
Himas rehas ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag Republic Act 9165. Ire-refer siya sa Manila City Prosecutor’s Office para sa inquest proceedings.

