EDSA

Bawal lumipad sa paligid ng Luneta, EDSA Shrine hanggang Sept. 22

Jun I Legaspi Sep 20, 2025
390 Views

IPINAPAABOT ng liderato ng Civil Aviation of the Philippines (CAAP) ang pagpapatupad ng pansamantalang pagbabawal sa paglipad sa himpapawid sa paligid ng Luneta Park at EDSA Shrine, na magiging epektibo mula 6:00 AM ng Setyembre 21, 2025 hanggang 6:00 AM ng Setyembre 22, 2025.

Sa nasabing panahon, mahigpit na ipinagbabawal ang paglipad ng lahat ng sasakyang panghimpapawid at unmanned aerial vehicles (UAVs) sa loob ng 15-nautical mile radius mula sa gitna ng mga nabanggit na lugar, mula sa lupa hanggang 10,000 talampakan.

Ang hakbang na ito ay ipinatutupad upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko.

Hinihikayat ng CAAP ang lahat ng may kaugnayan sa industriya ng abyasyon na sumunod sa abisong ito at makipag-ugnayan sa tamang ahensya kung kinakailangan.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa CAAP Operations Center.