Knife

Kelot kinadyot ng 4 na lalaki sa QC tigok

63 Views

PATAY ang 22-anyos na lalaki matapos pagtulungang saksakin ng apat na lalaki sa Quezon City noong Lunes. \

Idineklarang dead-on-arrival sa Rosario Maclang Bautista General Hospital ang biktima na si Andrew Payongayong Fulgencio, 22, at naaresto naman nina P/SSg John Vincent Vero, Pat Chester Ian Yaranon at Pat Aljiber Talib ang mga suspek na sina Junrex Dumale Cariaga, 27; Maryhun Bacor Patimo, 30; Kenny Aguanta Borja, 22; at Rey Ortiz Dagante, 29.

Sa report ng Holy Spirit Police Station 14 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang alas-4:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa tahanan ng biktima sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSg Jomar Pallado, humingi ng saklolo si Alvin, ama ng biktima, matapos pagsasaksakin ng mga suspek ang kanyang anak.

Nagresponde ang mga awtoridad at inaresto ang mga suspek.

Inihahanda na ang kasong homicide laban sa mga suspek.